Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bata sa FPJ’s Ang Probinsyano at My Deart Heart, bumibida

SIKAT na talaga ang mga batang napapanood sa mga seryeng FPJ’s Ang Probinsyano at My Dear Heart dahil sila ang pinag-uusapan ngayon ng netizens.

Matindi ang suportang natatanggap ng child stars ng Primetime Bida dahil bukod sa kanilang mahusay na pagganap, nagsisilbi silang ehemplo sa kanilang kapwa kabataan gabi-gabi.

Klik kasi ang partnership nina Macmac (Awra Briguela) at Onyok (Simon Exequiel Pineda).

Kumurot din sa puso ng mga manonood ang eksenang umamin si Macmac sa kanyang tunay na pagkatao na nagpakita na walang masamang magpakatotoo sa sarili.

Hindi rin nalimutan ang eksenang nagkalayo sina Cardo (Coco Martin) at Onyok nang makulong ito na nagpamalas naman na hindi kailangan maging magkadugo para mahalin ang isang tao bilang kapamilya.

Mas lalong tinutukan nang nadagdagan ng mga batang karakter ang Ang Probinsyano na sina Paquito, Dang, at Ligaya, na talaga namang kinaaliwan ng mga manonood.

Nagdadala rin ng ligaya tuwing gabi ang nakaaantig na kuwento ng My Dear Heart na pinagbibidahan naman ni Heart (Nayomi Ramos).

Bagamat bata at maliit, mayroon namang malaking puso si Heart na pinagmumulan ng pagmamahal at lakas ng kanyang mga magulang. At kahit nasa hindi magandang kondisyon, hindi pa rin tumitigil si Heart na gawin ang lahat upang mapasaya ang pamilya sa pagtulong niyang mabago ang buhay ni Dra. Divinagracia (Coney Reyes) at paggawa ng paraan upang gumaling kahit siya pa ay isa ng kaluluwa.

Katuwang naman niya sa pagbibigay kulay sa kanilang buhay ang matalik niyang kaibigang si Bingo, na kaagapay niya sa tuluyan niyang paggaling.

Dahil nga sa matinding suporta ng mga manonood, usap-usapan gabi-gabi ang mga serye sa social media at palaging trending online. Nananatili rin itong panalo sa kani-kanilang timeslots mula ng umere ang parehong serye sa telebisyon, ayon sa datos ng Kantar Media.

Patuloy na tutukan ang bidang child stars ng FPJ’s Ang Probinsyano at My Dear Heart gabi-gabi sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …