Monday , December 23 2024

Duterte bumalik sa peace talks

022217_FRONT
NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang peace talks, at tiniyak na magkakaroon ng estratehikong pagbabago sa landas tungo sa kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at kilusang komunista sa panahon ng kanyang administrasyon.

Ito ang resulta ng pulong ni Pangulong Duterte sa National Democratic Front (NDF) – recommended cabinet members na sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at National Anti Povert Commission (NAPC) chief Liza Maza sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nagbigay ng mga espesipikong utos si Pangulong Duterte, kasama ang mga posibleng susunod na hakbang matapos kanselahin ang peace talks at unilateral ceasefire.

“He gave specific instructions on how to deal with the present situation, including possible next steps following the cancellation of peace talks and the unilateral ceasefire declarations. He lamented that the almost 50-year old insurgency and conflict still continue to this day and vowed to work for a strategic shift during his incumbency,” ani Dureza.

Umabot aniya nang dis-oras ng gabi ang kanilang meeting sa pagtalakay sa mga direksiyon at mga susunod na hakbang sa negosasyong sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army at NDFP.

“The President reiterated his desire and passion of bringing about just, lasting, and inclusive peace in the land,” ani Dureza.

Noong Linggo ay inihayag ng CPP, na maaari nang umusad ang negosasyon para sa pagbalangkas ng bilateral ceasefire agreement ng gobyerno at NDFP, na nakatakda sa 22-27 Pebrero sa Netherlands kapag nagpasya si Pangulong  Duterte na ipadala ang negotiating panel at mga emisaryo.

Upang matiyak, anang CPP, ang tagumpay ng mga negosasyon, puwedeng umayuda ang gobyerno para makadalo ang mga miyembro ng NDFP ceasefire committee at consultants.

Muling susuporta, anang CPP, ang partido at ang NPA sa mga pagsusumikap para mapirmahan ang bilateral ceasefire agreement.

Sinabi ng CPP, naengganyo ang mga rebolusyonaryo sa mga nakaraang pahayag ni Duterte, na palalayain ang lahat ng political prisoners sa loob ng 48 oras, kapag nalagdaan ang bilateral ceasefire agreement.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *