Saturday , December 21 2024

Sa Tanay tragedy: Field trips itigil muna — CHEd

WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)
WASAK NA WASAK ang bus ng Panda Coach Tours and Transport Inc., nang mawalan ng preno at bumangga sa poste ng koryente sa pakurbadang daan patungo sa Magnetic Hill, Peligrino Farm, Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal. Patay ang driver ng bus na si Julian Lacorda, 37, at ang 14 estudyante ng Bestlink College Novaliches na nakatakdang mag-camping sa nasabing lugar. Umabot na rin sa 22 estudyante ang grabeng sugatan at nasaktan. (ALEX MENDOZA)

ISINUSULONG ng isang opisyal ng Commission on Higher Education (CHEd), na ipagbawal ang lahat ng educational tours habang iniimbestigahan kung paano nauwi ang isang field trip sa trahedyang kumitil sa 15 indibidwal sa Tanay, Rizal.

Ani CHEd commissioner Prospero de Vera, hihikayatin niyang maglabas ang CHEd en banc ng moratorium sa mga field trip, upang maayos na masuri ang insidente at ang mga polisiya ng ahensiya ukol sa mga educational tour.

Papunta sa isang campsite sa Tanay ang mga estudyante ng Bestlink College of the Philippines – Novaliches, para sa kanilang National Service Training Program (NSTP), nang sumalpok ang kanilang bus sa isang poste ng koryente.

Labintatlong estudyante ng Bestlink ang namatay sa aksidente. Patay rin ang isang non-teaching staff, gayondin ang bus driver.

Giit ni De Vera, ipinakita ng insidente na dapat magkaroon nang mahigpit na regulasyon sa pag-arkila ng mga paaralan ng pampublikong sasakyan para sa mga school event.

Dapat din aniyang mabusisi kung nasusunod ng mga paaralan ang safety requirements ng mga field trip.

Sa ilalim ng CHEd Memorandum 17, kailangang talakayin ng paaralan ang field trip sa student orientation at ipagbigay-alam sa mga magulang ang mga panganib nito.

Kailangan ding abisohan ng school administration ang CHEd ukol sa aktibidad, isang buwan bago ito idaos.

“While it is true that field trips are essential to give students the opportunity to see and explore new things, enhance their learning experience in a natural setting, and provide for interest-driven and hands on training, the safety of the students on field trips must be ensured at all times by school authorities,” dagdag ni De Vera.

WAIVER SA FIELD TRIPS
WALANG BISA
— CHEd EXEC

HINDI maaaring talikuran ng paaralan ang responsibilidad sa mga estudyante, sakaling magkaroon ng aksidente ang isang school event, kahit may pinirmahang “waiver” ang mga magulang o guardian ng mga mag-aaral.

Ito ang iginiit ng dalawang miyembro ng academe nitong Martes, makaraan maaksidente ang isang bus sakay ang mga estudyanteng magfi-field trip sa Tanay, Rizal, nagresulta sa pagkamatay ng 15 katao.

“Kahit ipapirma mo iyan sa mga estudyante, mga magulang — kahit po puwersahin, wala pong bisa iyan dahil ang importante po, dapat nagbigay ng due diligence ang eskuwelahan para sa kapakanan, kaligtasan ng kanilang mga estudyante,” ani Engr. Ronaldo Liveta, ng Commission on Higher Education-Office of Student Affairs, sa panayam ng isang radio station.

Sangayon si Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda Graduate School of Law, sinabing “walang epekto” ang waiver sa ilalim ng Civil at Family Codes.

“Batas mismo ang nagbibigay sa mga paaralan, kanyang mga administrador at kanyang mga teacher ng obligasyon na pangasiwaan ang kapakanan ng kanyang mga estudyante.”

“If it is an obligation imposed by law, you cannot waive away the obligation… Waivers are not of any use kung ang pakay nila ay balewalain ang obligasyon ng teacher at eskwelahan na tingnan mabuti ang kalagayan ng mga bata,” dagdag ni Aquino.

Ayon sa LTFRB: DRIVER SA FIELDS
TRIPS DAPAT MAY SERTIPIKASYON

NAIS ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na mapatibay ang ugnayan sa Commission on Higher Education (CHEd), para maiwasang mauwi ang mga field trip sa aksidente, tulad nang ikinamatay ng 15 katao nitong Lunes.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, napag-alaman nilang nakikipag-ugnayan ang CHEd sa mga lokal na pamahalaan, at iba pang ahensiya kaugnay ng mga field trip ngunit hindi sa LTFRB.

Ani Lizada, importanteng may ugnayan ang mga eskwelahan sa kanilang ahensiya upang masuri ang mga bus na gagamitin sa mga field trip, at mabigyan ng sertipikasyon ang mga driver nito.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *