Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edukasyon, patuloy na isinusulong ni Dingdong

PATULOY na isinusulong ng Primetime King na si Dingdong Dantes ang edukasyon at umiikot sa iba’t ibang parte ng bansa para hikayatin at dapat pagtuunan ng mga kabataan ang pag-aaral. Ito ang magiging gabay ng kabataan para sa magandang kinabukasan.

Katuwang ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong ang Philippine Youth sa nabanggit na adbokasiya.

Anyway, noong Linggo ay nakilala namin ang reigning Mr. Philippine Youth International winner na si Nelson Hui, mag-aaral sa College of St. Benilde, De La Salle University na ginanap sa Ibarra Events Place sa Quezon Avenue.

Isang Chinoy si Nelson pero malaki ang malasakit niya sa Pilipinas. Bukod sa magsasama sila ni Dingdong na iikot sa buong bansa para isulong ang edukasyon, isa sa personal na adbokasiya ni Nelson ay ang turismo dahil naniniwala siya na ang ganda ng Pilipinas ay dapat makita at mapuntahan ng iba’t ibang lahi.

Bongga ang naturang event na nagsilbi na ring victory party sa pagkapanalo ni Nelson dahil dumating mismo si Dingdong para batiin siya, dumating din si Congressman Dax Chua. Prior to this, nag-courtesy call na si Nelson sa House of Representatives at binigyan na siya ng pagkilala ni Cong. Chua na super guwapo at bata pa in person.

Ang Pinoy Youth ay nasa ika-17 year na sa pamumuno ni Bokal, Gerald Ortiz.

Ang dating endorser ng Philippine Youth ay ang nasirang Rico Yan, Onemig Bondoc, at si Dingdong mismo noong 2002.

Dumalo rin sa naturang okasyon ang Mr. and Miss Chinatown winners, designer na si Paul Cabral, mga modelong sina Andrea Biondo atbp., ang talent manager na si Dr. Jerome Navarro and Victo Rio at iba pang socialites and philanthropists.

Abala ngayon si Nelson dahil bukod sa kanyang adbokasiya, nag-aaral pa siya at ang pinaghahandaan talaga niya nang husto ay ang kanyang laban sa Mr. Youth International competition na gaganapin sa ibang bansa.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …