Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa serbisyo ng PAL pasahero ay desmayado

Dragon LadyMULI na naman umatake ang dating ‘sakit’ ng Philippine Airlines, ang pagiging delayed ng flights pabalik ng bansa mula sa Hong Kong.

Gaya nang naganap nitong Sabado ng gabi, hindi nakalipad ang PR307 pabalik sa Manila, na ang itinakdang departure time ay 6:20 pm, pero pasado 7:00 pm nakalipad ang eroplano.

***

Desmayado ang mga pasahero, partikular ang mga susundong kaanak na naghihintay sa labas ng paliparan na mula pa sa malalayong lugar. Nangangawit na ang mga mata sa kaanak na OFW na susunduin mula sa Hong Kong.

***

Maging ang isinisilbing pagkain ay hindi nila gusto dahil ang inihain daw sa kanila ay braised pork dahil ubos na umano ang Afritada. Ang braised pork na hitsurang chopsuey na wala umanong kalasa-lasa at ang sahog ay puro repolyo. Ang matindi pa, walang pork na makita kundi mushrooms na maliliit na pahaba ang hiwa at suwerte nang makita na may tatlong hiwa ng mushrooms.

Grabe naman ang catering services ng PAL… hindi porke mga OFW karamihan ang pasahero, hitsurang walang kalasa-lasa ang pagkain!

***

Noong sumasakay ako sa PAL biyaheng ‘merika, masarap ang inihandang pagkain ng caterer. Ewan ko ba, parang may-ari ng pipitsuging karinderya na lamang ang caterer ng PAL! Kaya marami na ang lumilipat sa Korean Airlines, dahil espesyal ang mga putaheng inihahin sa mga pasahero na nagbayad nang mahal sa kanilang fare tickets!

***

Ang PR307 ay isang napakalaking eroplano, kapag na-delay ang flight nito, darami na ang muta at luluwa na ang mga mata ng mga susundo sa haba ng pila sa immigration at sa conveyor na kuhaan ng mga bagahe. Kailan kaya ibabalik ng Philippine Airlines ang magandang serbisyo na minsan nang nangyari, pero ngayon tila sumasama!

***

Kaya ang Cebu Pacific Airlines, mura na ang tiket, kahit walang pagkain ay hindi desmayado ang mga pasahero dahil sa simula pa lang, alam nila dahil mura ang fare tickets lalo na kapag may promo, ‘di gaya ng PAL may pagkain nga, susuka ka naman!

***

Parang gusto ko subukan ang Cathay Pacific! Sabi ng mga pasahero. Ang problema lang sa Cathay kapag malapit na ang boarding time, pabago-bago daw ang upuan, kung saan sila papasok bago sumakay ng eroplano para kunin ang kanilang mga seat numbers. Papasok ng eroplano, kaya ang nangyayari ay napapaupo sila malayo sa entrance ng eroplano!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …