BAHALA ang ground troops kung papalag at lalaban ang consultants, ng National Democratic Front (NDF), na ipinaaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang makaraan kanselahin ni Pangulong Duterte, ang peace talks sa CPP-NPA-NDF, iniutos niya ang pag-aresto sa NDF consultants na pansamantalang nakalaya, at ibalik sa kulungan.
Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, alam na ng mga sundalo ang gagawin kung lalaban ang NDF consultants, at hindi na nila isasapubliko ang plano.
Ayon kay Lorenzana, malinaw ang direktiba ng Pangulong Duterte, na arestohin ang NDF consultants, dahil “terminated” na ang peace talks.
Habang blangko si Lorenzana, na ang paglaya ng NDF consultants ay bunsod ng piyansa, at utos ng korte, at walang kinalaman sa JASIG.