TIMOG KATAGALUGAN – Lima ang patay, habang 2 ang sugatan sa hanay ng 76th Infantry Battalion of the Philippine Army sa labanang naganap sa Sitio Libon-libonan, Brgy. Pinagturilan, Sta. Cruz, Mindoro Occidental nitong 5 Pebrero.
Ibinunga ang naturang labanan sa paglulunsad ng 76th IBPA ng mga serye ng operasyong militar sa tabing ng drug related operations, police related operations, civil-military operations, at mga katulad nito.
Ayon kay Jaime “Ka Diego” Padilla, tagapagsalita ng Melito Glor Command, New People’s Army Southern Tagalog, “Sadyang ipinagpapatuloy ng kaaway ang paglulunsad ng mga operasyon sa mga lugar na saklaw ng Demokratikong Gobyernong Bayan bago pa man bawiin ang kanilang deklarasyon ng unilateral ceasefire.”
Sa kahihiyan ng mga mersenaryong AFP, itinago nila ang totoong bilang ng kanilang kaswalti sa harap ng media ngunit hindi sa harap ng masa at rebolusyonaryong puwersa sa lugar.
Nagpapatuloy ang pursuit operations ng 76th IBPA na may 10 truck ng sundalong deployment upang tugisin ang NPA.