Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien at Kylie, magka-birthday na, magka-edad pa nang mabuntis

TINANONG si Yasmien Kurdi kung ano ang reaksiyon niya sa kapwa Kapuso star na si Kylie Padilla na napabalitang buntis umano. Kaedad niya kasi si Kylie noong panahong mabuntis siya—23 years old at magka-birthday pa sila.

Malaki ang nabago kay Yasmien noong magka-baby siya. Palagay ba niya ay malaki rin ang mababago kay Kylie?

“Hindi ko alam kung totoo ba talagang buntis siya, eh! Noong time kasi na ‘yun (buntis siya) mahirap ‘yung adjustment nang malaman kong buntis ako. Siyempre, kinabahan ka muna. Pero eventually, parang maa-adjust ka na rin doon. Hindi naman parang end of your life ‘pag nagkaanak ka. ‘Yun pa nga ‘yung beginning eh, na magbibigay sa ‘yo ng masasayang moment,” bulalas niya nang makatsikahan namin sa kanyang birthday tsikahan.

Sinabi pa ni Yasmien na kaarawan niya noong ikasal sila ni Rey Soldevilla. Five years na silang kasal. Pero 11 years na silang nagsasama. Trust at space ang dahilan ng matatag nilang pagsasama.

“Ibig sabihin ‘pag work niya kailangan maintindihan mo everything about it. Kailangan maging understanding ka,” deklara niya.

Sinabi rin niya na laging sabik umuwi ang kanyang mister dahil gusto nito ang lutong bahay, gusting makita ang anak nila, at mas masaya pa rin sa house. Ganoon din naman daw ang feeling niya, ‘pag galing sa work, gusto niya ay umuwi na agad.

Samantala, nag-renew ng network contract ang talented Kapuso actress  noong Miyerkules. Ang mister niyang si Rey ang co-manager ng GMA Artist Center.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …