INILAGAY sa ayos nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica kung anuman ang sitwasyon nila ngayon. Balitang very much in love ang dalawa. After pumutok ang isyung three months pregnant umano si Kylie, pero wala pa ring confirmation na galing sa dalawa, sumabog naman ang tsikang engaged na sila.
Sa official statement ng talent management na humahawak sa career ni Robin Padilla at Kylie, ang Vidanes Celebrity Marketing, mababasa ang…”The Vidanes Celebrity Marketing would like to announce to the great public the engagement of Ms. Kylie Padilla and Mr. Aljur Abrenica.”
Kailan kaya ang kasal? Bakit nauna pang kumalat ang preggy issue bago ang engagement?
Kung true man na buntis si Kylie, dapat din na panagutan at pakasalan ni Aljur si Kylie or else lagot siya kay Robin.
‘Di ba?
TALBOG – Roldan Castro