Friday , May 9 2025

Labi ni Pawa sa Kuwait ililibing

NAGPASYA ang pamilya ng binitay na OFW na si Jakatia Pawa nitong  Miyerkoles, sa Kuwait ipalibing ang kanyang bangkay.

“Nagdesisyon na rin kaming lahat na magkakapatid kasi sa batas ng Muslim, sa Islam, within 24 hours dapat maili-bing siya. Kung iuuwi pa namin ng Filipinas, baka pagdating dito sa amin sa Zamboanga, wala na ‘yung kapatid namin. Baka mangangamoy na ‘yun,”  pahayag ng kapatid na si Col. Angaris Pawa kahapon.

“Actually, everytime ‘pag ano, ‘pag kausap ko ‘yung kapatid ko, doon lang ako kumukuha ng information sa kapatid ko, kung ano ng development ng kaso.

“Last time na pumunta ako ng Kuwait kasama ko ang da-lawang anak niya. Maganda sana ‘yung outcome, kasi maganda ‘yung assurance na ibi-nigay ng abogado niya, si Attorney Faucia Al Sabah. Kamag-anak mismo ng President ng Kuwait. ‘Yung sabi by next year 2017, ‘Pagbalik mo dala mo na ‘yung kapatid mo.’‘Yan ang sabi, makalabas na. ‘Yun pala kabaligtaran po ng pangyayari,” giit ni Col. Pawa.

Nahatulan si Jakatia ng kamatayan noong 2010 sa kasong pagpatay noong 2007 sa 22-anyos anak na babae ng kanyang amo.

Ngunit sinabi ni Jakatia sa kanyang kapatid bago siya mabitay na wala siyang motibo para patayin ang biktima at ang kamag-anak ng biktima ang may sapat na motibo para isagawa ang krimen.

“Nanay talaga ng biktima ang pumatay,” ayon kay Col. Pawa, batay na rin aniya sa salaysay ni Jakatia.

Habang inihayag ng pamahalaan ng Filipinas na ginawa nila ang lahat na makakaya upang m.analo sa kaso ni Jakatia.

About hataw tabloid

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *