Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ToMiho, nilalanggam sa sobrang katamisan

VERY supportive ang ToMiho Universal na si Merly Peregrino ang head admin dahil mayroon silang block screening ngayong January 25, 1:00 pm. sa Cinema 2 ng SM North Edsa para sa pelikulang Foolish Love. Bida sa pelikula sina Angeline Quinto, Jake Cuenca, Tommy Esguerra, at Miho Nishida under Regal Entertainment Inc.. Unang movie rin  ito ng ToMiho na magkasama.

Biggest discovery ng Pinoy Big Brother ang nabuong loveteam nina Tommy at Miho. Umani agad ang followers ng dalawa at nabuo ang ToMiho loveteam dahil sa pagiging natural nila sa pagiging sweet at karisma na nagustuhan ng manonood.

Maging ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde ay napansin ang pagmamahal ng publiko kina Tommy at Miho kaya isinama sila sa Foolish Love.

Isang barrista si Tommy sa movie at kasama niya sa trabaho si Miho. ‘Yun nga lang, kursunada ang amo niya si Miho pero tinanggihan niya ito at mas pinili niyang sa kandungan ni Tommy manatili.

Siyempre pa, hindi mabibigo ang fans ng ToMiho na masaksihan ang nilalanggam na katamisan ng mga idolo. Hindi naman nahirapan si Direk Joel Lamangan na kumbinsihin ang dalawang ilabas sa screen ang lambingan nilang kinakiligan ng fans.

“First time man nilang umarte sa big screen, pasado sila sa panlasa ko. Wala nang arte ‘pag sinabi kong kailangan nilang maghalikan sa scene. Bigay na bigay nga sila at ramdam ang pagiging in love nila sa isa’t isa,” pahayag ni direk Joel.

Wala kasing kaplastikang nagaganap sa magka-loveteam. Kahit nga off camera, nilalanggam sila sa katamisan, huh! Pero nandoon din ang pagiging seryoso nila sa kanilang craft. Kaya nama heto, araw-araw na silang napapanood sa Kapamilya morning series na Langit at Lupa. Unlikely pair mang masasabi sina Tommy at Miho. ‘Yun nga lang, hindi natuturuan ang puso. Nagkagustuhan at nagka-in-love-an.

Masasaksihan ang magic sa screen nina Tommy at Miho dahil showing na ang Foolish Love.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …