Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, idinamay pa raw sa kamalasan ni Aljur: Netizens nagalit sa aktor

MAMAMATAY ba si Kylie Padilla sa telefantasya ng GMA 7 dahil sa Instagram account ni Direk Mark Reyes ay nakalagay ang apat na larawan ng Sang’gre  at may caption na, “Sino kaya sa kanila ang magpapaalam na?”

Marami ang humuhula na mawawala si Kylie dahil hindi niya makakayanan umano ang mga fight scene at stunt dahil sa tsismis na buntis siya ngayon.

May ilang comments kaming nabasa sa IG ni Direk Mark na galing sa netizens…

“Kung totoo ung chismis about Kylie’s pregnancy, mukhang sya ang magpapaalam.OMG!!!Paano na ang kaharian ng Encantadia?? Huhuhuhu.”

Maraming bashers ngayon si Aljur Abrenica dahil sa tsismis na buntis  umano ang kanyang girlfriend. Mababasa sa IG nina Direk Mark, Kylie na, “Pashnea (Enchanta word na nagpapahayag ng galit/ hayop/ animal) talaga itong si Machete…”

May fan si Kylie na nagsabi ng, “Kasalanan ‘to ni Kahoy.”

“Kasalanan to ni Aljur! Nandamay pa siya.”

“Ay naku, Aljur kung totoo man hindi mo na nirespeto…sa kasagsagan pa naman ng career ni Kylie.”

Kahit sa Instagram Account ni Aljur ay may mga netizen na hindi natutuwa sa kanya dahil sa tsismis na kalagayan ni Kylie.

“Aljur  totoo ba ang rumor? If yes congrats pero pashnea  ka.”

“Hoy kahoy. Kung totoo ‘yung article’, pashnea ka. Wala ka na ngang career, nandamay ka pa. Tingin mo maramng natutuwa sayo?”

May netizen pang nagsabi na turuan sana siya ng leksiyon ni Robin Padilla. Maraming below the belt na bira kay Aljur sa social media.

Pero sa bandang huli, wala naman tayong magagawa kung nagmamahalan talaga ang dalawa. Desisyon nila ‘yan, panagutan nila kung ano ang nagawa nila at magtulungan silang dalawa para sa future nila.

Nag-post naman si Kylie sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan na may caption na “PARA SA LIREO” na parang nagbabadya ng pamamaalam…”Lumaban. Nabigo. Bumangon. Makakaligtas bang muli ang Hari ng Lireo?”

May mga netizen ding tinatanong si Kylie sa kanyang IG kung buntis ito pero patuloy siyang tahimik at hindi sumasagot.

May post din si Kylie ng, “There are so many beautiful reasons to be happy.”

Komento ng netizens, “If its really true so be it. If they love each other and if they going to have a baby, that’s a gift from God…”

“Having a child without a blessing ay KAILAN ‘di tama. Tho baby is really a blessing…pero ‘di pa rin tama.”

“Whatever happens we love you. It’s God’s blessing.”

“It’s sad if it’s true @kylienicolepadilla coz your career is blooming but regardless your fans are here for you. Nakakahinayang lang…love you no matter what happens.”

“The love each other so that’s life. Huwag natin silang i-judge. Marami namang may mga anak sikat pa rin like Jennylyn (Mercado) basta magaling sila sa kanilang craft. Ang baby is a blessing naman po. Baka dahil diyan mas magbo-boom ang career nila in the future. Everything happens for a reason if it’s true. We are happy for the both of you Aljur and Kylie. Fight for your relationship whatever it takes.”

Hintayin na lang nating magsalita at magkaroon ng statement sina Kylie, Aljur Abrenica, at Robin Padilla para sa ikalilinaw ng isyung ito.

Boom!!!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …