Saturday , November 16 2024

Gen. Bato dapat bigyan ng 2nd chance (‘Wag pagbitiwin) – Lacson

SINABI ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, dapat bigyan ng ikalawang pagkakataon si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng mga panawagan na magbitiw sa puwesto.

Ayon kay Lacson, da-ting PNP chief, buo ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Dela Rosa, mahalagang bagay aniya lalo sa pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Iginiit ng senador, mas gugustuhin niyang bigyan si Dela Rosa ng pagkakataon lalo pa’t sa pagkakakilala niya ay isang “diligent” at “unassuming” official.

Kung makababalik aniya si Dela Rosa sa mga dating gawi  noong hindi pa nabibigyan ng mataas na posisyon ay tiyak na makare-recover pa. Giit ni Lacson, ang na-ging problema lamang ay mistulang nalulunod si Dela Rosa ngayon sa atensiyon, dahilan upang makalimutan ang basic values.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *