Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-uugnay kina Maine at Vico, pinasinungalingan ni Coney

FINALLY, nagsalita na si Coney Reyes sa pagkaka-link ng kanyang anak na si Vico Sotto kay Maine Mendoza.

Ayon sa aktres ng bagong seryeng My Dear  Heart walang katotohanan ang tsismis na ito. ‘Yung fans lang daw ang  nag-uugnay kina Maine at Vico.

Sambit pa ni Coney, malalaman din naman daw niya kung mayroon talagang namamagitan sa dalawa. Very much single pa rin daw ang anak niya at focus ito sa work niya dahil marami raw itong gustong i-achieve.

Nilinaw din niya na hindi siya masyadong nakikialam sa lovelife ng anak. Ang lagi lang daw niyang sinasabi ay magtiwala sa Diyos  na ibibigay sa kanya kung sino talaga sa tamang panahon.

Anyway, sa trailer ng My Dear Heart ay parang kontrabida na naman ang role ni Coney gaya sa Nathaniel. Okey lang ba sa kanya na nakakahon siya sa ganitong klaseng papel?

“Hindi laging may change of heart ‘yung character na ipino-portray ko because I don’t accept a kontrabida role  na walang  redeeming value,” tugon niya.

Naniniwala siya na ‘yung pagiging strong kontrabida niya ay lumalabas ‘yung values. Mas madali nga raw sana sa kanya kung nakakahon siya, eh kaso, hindi naman daw ganoon. Hindi rin daw papayag ang mga director niya sa My Dear Heart na nakakahon siya. Hindi rin siya papayag na pareho rin ang makikita sa kanya sa unang kontrabida role na ginawa niya. Talagang pinag-aaralan niya ang  kanyang role at nagdarasal siya na magkaroon ng fresh treatment ang character niya.

Pinupuri  rin niya ang batang si Heart Ramos sa My Dear Heart dahil hindi raw aral na acting  na nakikita sa bata. Bago pa raw pero very  promising.

Talbog!

TALBOG- Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …