Monday , December 23 2024

Aiza Seguerra, Tito Sotto nagkainitan sa condom

BINATIKOS ni National Youth Commission (NYC) chair at singer na si Aiza Seguerra si Senador Vicente “Tito” Sotto III kagnay sa pagtuol ng senador sa planong pamamahagi ng condom sa mga paaralan ng Department of Health (DoH).

Sa Facebook post, tinawag ni Seguerra ang atensiyon ni Sotto at bi-nigyang diin ang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS at teenage pregnancy sa mga kabataan.

“Mabilis na pagtaas ng HIV/AIDS lalo sa kabataan, laganap na teenage pregnancy at patuloy na pagtaas ng populas-yon ang nagiging sanhi kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang naghihirap at hindi naka-a-access ng dekalidad na serbisyo ng gobyerno. Hindi po ito haka-haka, Mr. Senator. These are facts. Based on science and research,” ayon sa post ni Seguerra.

Hindi kombinsido si Seguerra sa argumento ni Sotto na hindi maaaring ipatupad ng DoH ang pamamahagi ng condom dahil konserbatibo ang mga Filipino.

“We have an epide-mic here, a youth epidemic. It is precisely because of this ‘sentiment of a conservative culture’ kaya lalong pataas nang pataas ang HIV,” dagdag ni Seguerra.

“Dahil sa conservative culture na ito, the Fi-lipino people were denied of RH services for the longest time. Damage has been brought upon our people by this conservative culture because it makes us decide based on beliefs at hindi hard evidence. Would you rather people keep dying of HIV/AIDS as long as hindi nao-offend ang sensibilities ninyo? Now, sino ang nag-i-impose ng beliefs sa nakararami?” dagdag ni Seguerra.

Si Seguerra ay dating mainstay ng noontime show Eat Bulaga, na kabilang sa host si Senador Sotto, kasama ang ka-patid niyang si Vic Sotto, at si Joey de Leon.

Nang itanong kung nasaktan siya sa pasaring ni Seguerra, sinabi ni Sotto, “Hindi naman. Baka nakalimutan na n’ya kung saan siya galing siguro. Mas nanaig sa kanya ‘yun pagkabagitong politiko.”

Ipinunto ni Sotto na ang “MSM” o ang pa-kikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki ang nangu-ngunang sanhi ng HIV/AIDS sa mga kabataan.

“Besides, for their information, the HIV virus is smaller than the pores of condoms which can only prevent pregnancy. Scientifically proven,” dagdag ni Sotto.

Aniya, mas naniniwawala siya sa isang da-ting kalihim ng DoH kaysa “politikong walang karanasan.”

Nauna rito, sinabi ni Sotto, inihayag ni dating DoH secretary Janette Garin, author ng RH Bill sa Kongreso, ang pa-mamahagi ng condom sa mga paaralan ay hindi pa isinasagawa sa alin mang bansa sa mundo.

Paglilinaw ng DoH
LIBRENG CONDOM
SA PAARALAN
DEPENDE SA DEPED

INILINAW ni Health Secretary Paulyn Ubial, hindi pa sila namimigay ng libreng condoms sa mga paaralan.

Aniya, ang pagbibi-gay ng libreng condom ay plano pa lamang at kai-langan pa nilang kumunsulta sa Department of Education (DepEd).

Ngunit kapag hindi pumayag ang mga guro, principals at school officials ay hindi nila igigiit ang nasabing plano.

Kasabay nito, idinepensa ng DoH ang pla-nong mamigay ng libreng condom lalo na’t ang mga kabataan ngayon ay may karanasan o nakikipagtalik na bago mag-15-anyos.

Ang kanilang hakbang aniya ay itinuturing na “holistic strategy” para maiwasan ang pagkakasakit ng mga kabataan.

Dagdag niya, pag-aaralan din nila kung saang paaralan puwedeng ipatupad ang na-sabing plano.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *