MAPANGAHAS ang role ni Iza Calzado dahil may daring scene sila ni Ian Veneracion sa Ilawod. Ibinuking ni Direk Dan Villegas na may eksena sila na ‘lack of clothes.’
Ibig bang sabihin ay may love scene ang dalawa at may hubaran na may nagpakitang elemento?
“Basta’t ang alam ko lang tulog ako niyon,” tugon ni Ian sa presscon ng Ilawod na showing sa January 18. “Sumampa siya sa akin,” dagdag ni Ian.
“Kagapang-gapang naman,” reaksiyon ni Iza.
Yes, ginapang ni Iza si Ian. Ano ang pakiramdam ni Ian?
“Masarap naman,” pakli niya na tumatawa.
Tinukso tuloy si Iza at binigyan ng title na “Gapang Goddess”.
Hindi ba pinilit si Iza sa eksenang ‘yun?
“Papilit talaga? Twenty years old?,” tugon ni Iza.
So, pumatong siya talaga?
“Patong Princess,” sagot ni Iza sabay tawa.
Nagbiro naman si Ian at tinawag si Iza na “Sampa Queen”.
Ayon sa aktres, komportable siya na maghubad sa harapan ni Ian dahil mabuti niya itong kaibigan.
Pero ang ikalulungkot ng mga bading, mas conservative si Ian at palaban naman si Iza.
Anyway, first horror film sa 2017 ang Ilawod na prodyus ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Films, at Butchi Boy Productions. Kasama rin sa cast sina Epi Quizon, Therese Malvar, Xyriel Manavat, at Harvey Bautista.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro