Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, ‘bininyagan’ si Angeline

TODO-PURI si Jake Cuenca kay Angeline Quinto dahil sa pagiging down to earth nito. Hinahangaan daw niya ang pagiging simple ni Angge.

Inalalayan din ni Jake si Angge sa love scene nila dahil first time ng singer-actress.  Sa kanya talaga bumigay si Angeline at nakipaglampungan.

Ano  ang feeling na siya ang nakabinyag?

“Hindi naman ako iyong naging coach niya pero first time kasi niya na gawin iyon so wala talaga sa comfort zone niya. Alam kong kinakabahan siya pero inalagaan ko naman siya at inalalayan sa mga eksena namin,” bulalas ng actor.

Sabi pa ni Jake, si Angeline ang nagpapaalala sa kanya na dapat ay laging magpapakumbaba. Pati na rin ang pagmamahal sa OPM. Nag-aral kasi siya sa States at naging foreign na rin ang orientation niya, pati sa ex girlfriend niya. Pero si Angge ang dahilan na hindi nakakalimutan ni Jake kung ano ang pinagmulan niya.

Inamin din ni Jake na minsan ay nabaliw din siya sa pag-ibig. Natatawa na nga lang daw siya ‘pag naaalala niya ang mga foolish thing na nagawa niya dahil in love siya at wala sa karakter niya ang mga ginagawa niya. Pero wala naman daw siyang regrets dahil itinodo niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …