Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angge, na-in-love sa lalaking pinagmukha siyang tanga

MISTERYOSO kung sino ang rebelasyon ni Angeline Quinto na minahal niya ng buong-buo kahit nagmukha siyang tanga. Ito ang sinabi niya sa presscon ng Foolish Love mula Regal Entertainment na palabas na sa Enero 25.

Ani Angeline, mahigit isang taon nakikita niya ang guy na masaya sa piling ng iba. Kumbaga, may partner na iyon at hindi na niya pinaabot  ng dalawang taon.

“Bumigay na rin po ako bago mag-dalawang taon, ayoko na, okey na ‘yun,”deklara niya.

Tinanong ng press kung si Coco Martin ba ang tinutukoy niya pero mariin niyang sagot. Bakit si Coco? Hindi ko alam, eh. Nagulat lang ako sa tanong ninyo, matagal na ‘yung tapos. Si Coco pa rin ‘yung tinatanong ninyo sa akin. Hindi ko alam,” pagtanggi niya sabay tawa.

‘One way’ lang daw ‘yung sinasabi niya na minahal niya ng mahigit isang taon at alam daw ng guy ‘yun. Pero sad to say, ginagawa pa rin ng lalaki kung ano ‘yung gusto niyang gawin. Nakikipag-usap naman daw ‘yung lalaki sa kanya pero tinigilan na raw ni Angge ang kabaliwan niya. Wala naman daw kasing pinatutunguhan ang relasyon nila.

Marami raw siyang natutuhan pagdating sa lovelife kaya hinay-hinay lang siya.

Anyway,  bida rin Foolish Love na magpapakilig rin sina Jake Cuenca,  Miho Nishida , Tommy Esguerra, Cai Cortez, Jerald Napoles, Beverly Salviejo atbp.. Ito ay sa direksiyon ni Joel  Lamangan.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …