Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Saludo sa PNP

WALANG kaguluhan at matahimik na nairaos ang taunang prusisyon ng Itim na Nazareno. Dinagsa pa rin ng mga milyong deboto ang tinaguriang Traslacion sa kabila nang banta ng terorismo na una nang sinabi ng mga awtoridad.

Isang pasasalamat sa bumubuo ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Chief PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa at Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil naipatupad ang mahigpit na seguridad para maisakatuparan nang payapa at walang gulo ang taunang pista ng Itim na Nazareno.

Pasasalamat din sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Maynila na tumulong para maging maayos ang prusisyon at sa mga first aid volunteers at sa mga naglinis ng kalsada matapos maihatid ang Poong Nazareno sa Simbahan ng Quiapo.

Generally peaceful ang naging pinal na assessment ng PNP sa taunang pista.  Walang binawian ng buhay sa hanay ng mga deboto, at higit sa lahat nabigo ang tangka ng ilang grupo na maka-paghasik ng gulo sa gitna nang sagradong pagbibigay-pugay sa mahal na Poon.

Muli, saludo kami sa PNP na siyang nagbigay ng seguridad sa mga debotong Katoliko. Nairaos nang tahimik at payapa ang prusisyon ng Itim na Nazareno.  Mabuhay kayo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …