Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keempee, ‘di pa rin alam (hanggang ngayon) kung bakit inalis at kung kailan makababalik sa Eat Bulaga!

FEELING ni Keempee De Leon ay tinabla raw siya ng Eat Bulaga. Hanggang ngayon ay hindi raw niya alam ang dahilan kung bakit hindi –pa siya nakababalik sa noontime show. Nagpaalam naman daw siya ng maayos noong gawin niya ang seryeng Little Nanay at pinayagan naman siya na babalik pagkatapos ng serye.

Mabuti na lang at may bago raw siyang pinagkakakitaan. Ito’ y ang seryeng Meant To Be ng GMA 7.

Hindi raw siya nadiretso kung ano ang dahilan kaya ang feeling niya iniwan siya sa ere. Nagtatanongdin daw siya kung ano ang nangyari at nananatiling palaisipan sa kanya.

Tinanong daw niya ang kanyang amang si Joey De Leon pero wala ring maisagot. Parang umiiwas daw siya na pag-usapan. Umabot daw siya sa puntong sumulat sa management ng TAPE pero wala rin umano siyang nakuhang feedback.

Bukas ang panig ng pamunuan ng Eat Bulaga sa pagsisiwalat ng sitwasyon ni Keempee. Aminado ang aktor na na-depress siya sa nangyari. Halos isang taon din siyang napraning sa kaiisip kung may nagawa raw siyang mali.

May na-hurt ba siya na kasamahan niya roon? Nananatiling misteryo kay Kempee ang lahat.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …