PATULOY na dinadagsa ng blessings ang talented at masipag na Zumba Queen na si Ms. Regine Tolentino. Bukod sa abala as segment host ng Unang Hirit at pagpapatakbo ng kanyang Regine’s Boutique na mga sikat na artista at celebrity ang lists ng clientele, magiging super-busy ang Hot Momma na ito sa taong 2017.
Inusisa namin kung ano ang latest news kay Ms. Regine. “Katatapos lang ng US tour ng Organique Acai Berry. So we’re gonna do part-2 this April-May sa California pa rin ‘tsaka Las Vegas. Tapos, mayroon din po tayong tour for Flanax. I’m the new endorser of Flanax. We’ll do the commercial and the shoot this year.
“Tapos this year na rin yung launching ng album ko. Dance album ito, finally! Kumbaga, nagko-compose kami ngayon ng mga songs na may arranger na ako. Yes, nagsusulat ako ng mga songs. Dream come true na magkaroon ako ng album this year and concert-fashion and dance concert.
“So, very exciting itong year na ito and yon, tuloy-tuloy lang yung mga activities ko with Zumba. We have a tour all over, actually, US, Singapore, Japan, Dubai. All around Asia po for the Zumba fitness. Tuloy-tuloy lang yung pagsasayaw ko, more active lang po talaga ako sa dance fitness especially this year,” masayang saad pa ng super-seksing fitness guru.
Pahabol pa niya, “Sa 2017, more acting jobs and I have a movie later on in the year with Direk David Fabros. Indie film siya, pero it’s a very big production.”
So, sing and dance ka na sa latest album mo? “Yes, sing and dance,” aniya.
Okay lang ba kung bansagan kang JLo ng Pilipinas? “Bakit hindi? Idol ko ‘yon!” Nakatawang saad pa ni Regine.
Dagdag pa niya, “Excited ako, this year din magfo-focus ako sa fashion. If you’re not familiar, di ba sa Facebook ko yung mala-Victoria’s Secret na fashion show? Itu-tour po namin yung show na yun, fashion and dance concert. So may modelling, fashion show, tapos may sayaw.”
Ipinagmalaki rin ni Ms. Regine ang kanyang mga talented at magagandang anak. “Si Reigne nasa Ateneo na, scholar siya sa Ateneo. Si Reigen second year high school naman. Yes, sumasayaw sila, nagzu-Zumba but they’re very focus with their studies. They’re both scholar sa school, very good student, active sila roon.”
Paolo Ballesteros, inuulan ng papuri
dahil sa galing sa Die Beautiful
PULOS papuri ang naririnig namin para kay Paolo Ballesteros sa husay ng performance na ipinamalas niya sa MMFF 2016 entry na Die Beautiful. Humahataw ngayon ang bagong obrang ito ni Direk Jun Robles Lana hindi lang sa takilya, kundi maging sa mga papuri lalo na para kay Paolo.
Sa naturang pelikula ng October Train Films at TheIdeaFirst Company, gumaganap si Paolo bilang isang transgender na kontesera. Aminado si Pao na naghintay siya ng sixteen years bago dumating ang biggest break sa pelikula. “Parang ito na yung culmination ng lahat ng hirap at pagod ko. Overwhelming talaga, kasi ang tagal kong hinintay ito at finally, eto na. Matagal na akong nag-aartista, pero kumbaga ay ngayon lang talaga ako nagkaroon ng pagkakataon,” aniya.
Sinabi rin ni Paolo na nakaka-inspire gumawa ng pelikulang tulad nito. “It was very inspiring talaga. I think siguro, kahit isang movie a year (gagawa ako), kasi ay Eat Bulaga pa rin talaga ang priority ko, e. Always EB ang priority ko, pero nakaka-inspire talagang gumawa ng mga ganoong klase ng pelikula.”
Nang naka-chat namin si Pao bago ang awards night sa MMFF, binati namin ang versatile na Dabarkads na amoy Best Actor na siya. Na ang naging reaction niya ay maigsing, “Awwww, ‘pag-pray natin!”
Pero, ano ang reaction mo na favorite kang manalong Best Actor sa MMFF?
Sagot ni Pao, “Hindi naman ako nag-e-expect, pero siyempre laging hopeful, ganyan, sana. Kung manalo sana, eh ‘di mas maganda,” nakangiting saad niya.
Binigyan din ni Paolo ng credit ang mga kasama sa pelikula at ang kanilang director. “Nakaka-proud ang reaction ng mga tao sa movie namin, pero hindi lang ako ang gumalaw sa pelikula, e. It’s a group effort, nandiyan yung director namin, yung iba pang casts at mga crew. Kumbaga, hindi naman magiging ganoon ang impression ng mga tao kung hindi kami nagtulungan lahat.
“Kaya nakaka-proud lang talaga, kasi talagang labor of love ito, eh. Nakaka-proud na iyong pinaghirapan mo, nakikita mong maganda ang kinalabasan.”
Ano yung relasyon mo kay Luis Alandy sa movie? “Iyong sa amin ni Luis, magandang part ng istorya iyon, e. Wagas akong mapagmahal dito, e, I mean, gusto niya talagang magkaroon ng asawa, kasi may anak siya. So, ibinigay niya iyon kay Luis and ganoon din naman ang naramdaman ni Luis.”
Kay Albie, ano ba ang relasyon nyo? “Masarap!” Pabirong saad ni Paolo. “Hindi, iyon ang motivation, siyempre yung sa character iyon. Kasi noong college, siya naman yung aking super crush,” nakangiting paglilinaw pa ni Pao.
Ang Die Beautiful ay tinatampukan din nina Joel Torre, Gladys Reyes, Albie Casiño, Inah de Belen, Christian Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio
Check Also
Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan
MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …
Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …