Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katrina, ‘di nalugi, ipinaluwal na pera P400K lang

NILINAW ni Direk GM Aposaga ang artikulong lumabas na umano’y nalugi si Katrina Paula ng P1-M para sa indie film na A Story Of  Love. Si Katrina ang sumalo sa naunang producer ng pelikula.

Ani Direk GM, walang P1-M ang ipinaluwal ni Katrina. ”Nagbigay naman talaga siya, nag-co prod siya worth of P400,000 bilang karagdagan po sa kakulangan. Lilinawin ko lang po, in fairness kay Katrina noong kailangan namin ng tulong, nandiyan naman siya to help us. Pero gusto pong linawin na hindi po iyon P1-M. May contract po kami na pinirmahan na good for one year po ‘yun. Wala pa pong one year, eh. Sabi ko nga sa kanya, kung hindi maibalik ng producer, ako ang magbabalik sa kanya dahil unang-una nakatulong naman siya talaga sa akin.”

Pati ang mga nakaraan ni Direk GM ay naungkat sa naturang artikulo na  umano’y dinampot at ikinulong ng mga hiningan umano niya ng pera kapalit ang kagustuhang mag-artista at mapasama sa mga idinidirehe niyang pelikula.

“’Yung life ko open sa lahat. Ino-open ko sa lahat. May issue ako way way back, hindi ko inilihim ‘yun at napatunayan naman na hindi totoo. Sabi nga nila, vindicated ako lalo na noong maidirehe ko si Nora Aunor.

“Pero, hindi ‘yan ang basehan para gawan ako ng hindi magandang write-ups. Ang tagal na pala ng issue pero hindi  ko nababasa. Ang puwede ko lang sabihin kay Katrina Paula, napakabait niyang tao sa akin, natulungan niya kami pero hindi po P1-M ‘yun,” sambit ni Direk G.

Bakit kailangang ibalik ang isinosyo niya kung hindi kumita ang pelikula, eh, co-producer siya?

“Kasi ‘yun ang nakalagay sa contract. Tama po ‘yung sinabi n’yo na ‘pag investor ka, producer ka ‘pag nalugi ‘yun wala nang ibabalik. On my part, para wala na lang gulo at isyu, ibalik na lang ang pera,” sey pa niya.

Naipalabas naman ang nasabing pelikula pero sa kaunting sinehan lang kaya nalugi talaga.

Sinabi rin ni Direk na nagkausap sila ni Katrina bago pa lumabas ang naturang issue. Nagtanong ang actress kung kailan maibabalik ang pera pero sinagot siyang maghintay-hintay lang. ‘Pag nagka-event daw si Direk at kumita, siya mismo ang magbabalik ng pera. Hindi man buo na maibigay ay uunti-untiin niya.

“Ang nagugustuhan ng mga producer ko, transparent ako, sabihin mo lang kung ano ka.’Yung maging totoo ka lang .Kailangang isiwalat kung ano ka para at the end of the day, hindi ka nila sisihin. Ako po open book. Bago po ako kumuha ng producer sinasabi ko na may ganito akong issue before, may ganitong nangyari. Ayaw ko po kasi na sa bandang huli, ako pa ang sisisihin,” deklara pa niya.

May bagong pelikulang gagawin ngayon si Direk GM titled A Wonderful Story. ‘Yung TF daw niya sa pelikula, ibabayad na lang niya kay Katrina.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …