Monday , December 23 2024

Matikas pa si Mayor Lim

00 Kalampag percySIGURADONG marami na naman ang nag-aabang sa pagdating ni Manila Mayor Alfredo ngayong umaga sa kanilang bahay sa Tondo sa pagsapit ng kanyang ika-87 kaarawan.

Taon-taon naman ay ganito na ang nakagawian ng kanyang mga kaibigan at supporters para batiin siya tuwing sasapit ang ika-21 ng Disyembre noon pa mang siya ay nagse-serbisyo bilang kagawad at opisyal ng Manila’s Finest.

Marami sa kaibigan at supporters ni Mayor Lim ay may kanya-kanya pang bitbit o dalang pagkain na masayang pagsasaluhan sa almusal ng mga bisita.

Ang kanyang kaarawan ay parang piyesta na ipinaghahanda rin at ipinag-aanyaya pa ng kanyang mga kapitbahay sa mga bisita bilang tanda at pagpapakita ng kanilang pagmamahal kay Mayor Lim.

Pagkatapos ng simbang-gabi sa Sto. Niño ay dumideretso si Mayor Lim sa kanilang bahay upang harapin ang kanyang mga kaibigan, kapitbahay at supporters na bisita.

Maaga pa lang ay nakagayak na rin ang mahabang pila ng mga bata na nananabik sa nakagawiang pamimigay ni Mayor Lim ng mun-ting aginaldo na karaniwan din niyang ginagawa hanggang makompleto ang panata sa taunang simbang-gabi.

Pero ang laging napapansin at malimit ipagtaka ng marami, lalo ng mga tao na kanyang nakakaharap, ang ‘di kumukupas na tikas ni Mayor Lim.

Bukod sa patuloy at palagian pa rin niyang workout, ang mula’t sapol na simple at walang halong yabang o marangyang pamumuhay ang posibleng dahilan.

Sa madaling salita, si Lim ay nabubuhay sa disiplina at hindi inabuso o inaksaya ang kabataan sa mga walang kapararakang bisyo.

‘Yan lang ang natitiyak nating sikreto kung bakit si Mayor Lim ay naging matapat na opisyal ng pamahalaan at ang mahabang panunungkulan ay hindi kailanman namantsahan ng anomang katiwalian.

Maraming taon pa siya pakikinabangan ng sambayanan sa kahit anong puwesto para ma-ging katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo ng krimen at katiwalian sa bansa.

Ako po ay nakikiisa sa mga bumabati ng Maligayang Kaarawan kay Mayor Lim!

OLIGARCH NAGPOPONDO
NA MASIBAK SI AGUIRRE

SINO kaya ang mga tinutukoy ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II na nagpaplanong patalsikin siya sa puwesto na hindi niya nabanggit ang mga pangalan?

Ayon kay Aguirre, may mga opisyal sa DOJ na kasabwat ng nasa pribadong sektor ang ginagamit ng nais pumalit sa kanyang puwesto.

Sabagay, hindi naman kataka-taka ang sinasabi ni Aguirre dahil wala naman talagang permanente sa mundo at hindi kakaunti ang naghahangad at nagnanasang mapuwesto sa gobyerno para isulong ang sarili lang nilang interes at kapakanan.

Kung si Pang. Rodrigo R. Duterte nga na hindi pa umiinit ang puwit sa kanyang pagkakaupo ay pinagpapalanohan nang patalsikin ng mga sakim sa kapangyarihan, gaano pa kaya ang isang tulad ni Aguirre na appointee lamang ng pinagbabalakang mapatalsik.

Pero sa tono ng pananalita ni Aguirre, parang kilala niya ang nasabing grupo at nasa pribadong sektor na gusto siyang patalsikin.

May narinig kasi akong balita tungkol sa isang negosyanteng oligarch na may galit yata kay Aguirre matapos hindi mapaboran sa kasong may kaugnayan sa malaking negosyo sa Maynila.

Ang naturang negosyante ay natalo tungkol sa ownership o pagmamay-ari ng isang mala-king negosyo na may mga konsesyon sa pamahalaan at nagtamasa mula pa sa panahon ni dating Pang. Fidel V. Ramos.

Ang negosyanteng ito na laway lang ang laging puhunan pero yumayaman sa pera ng gobyerno ay sinasabing kay Erap naman nagtatamasa at nakikinabang sa malalaking kontrata ngayon sa Maynila.

Ang grupo naman na tinutukoy ni Aguirre, ayon sa ating impormante, ay pinamumunuan ng isang DOJ official na minsan nang naipuwesto ni Erap.

Kung hindi tayo nagkakamali, ang opisyal na ito sa DOJ ay kasama pa yata ang pangalan sa listahan ng mga kandidato na papalit sa magreretirong associate justice sa Court of Appeals (CA)?

Aba! ‘Pag nagkataong tama tayo, mahahawakan ni Erap pati ang magiging kalihim ng DOJ sakaling magtagumpay ang masamang plano laban kay Aguirre.

Talas-talasan lang ni Aguirre ang pakiramdam baka nasa Manila City Hall lang ang opisina ng namumuno sa grupong gustong yumari sa kanya.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *