Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Drug test

Drug test sa Kamara at Senado

BAKIT ang maliliit lang na indibiduwal ang dapat dumaan sa drug test?  Dapat ang mga senador at kongresista ay sumailalim din sa drug test para maipakita na walang pinipili ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte pagdating sa kampanya laban sa droga.

At kung talagang suportado nina Senate President Aquilino Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ang program ni Duterte, sila dapat ang manguna sa panawagang mandatory drug testing sa lahat ng miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Hindi iilan ang naririnig natin na marami sa mga mambabatas ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot kaya dapat lang gawin ang mandatory drug testing para hindi pagdududahan na may pinipili o kinikilingan ang administrasyon ni Duterte pagdating sa kampanya laban sa droga.

Ang nakapagtataka ay kung bakit tahimik sina Pimentel at Alvarez sa usapin ng mandatory drug testing pagdating sa mga mambabatas. Bakit pawang maliliit lang na indibiduwal ang napagdidiskitahan ng  kasalukuyang adminstrasyon kapag ilegal na droga ang pinag-uusapan?

Natatakot ba sina Pimentel at Alvarez na sakaling ituloy nila ang mandatory drug testing sa hanay ng mga mambabatas ay madiskubre nila na marami sa kanilang miyembro ang lulong sa ipinagbabawal na gamot?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …