HINILING ng Makabayan bloc sa Kamara na bigyan ng general amnesty ang political prisoners sa bansa.
Umapela ng suporta sa mga kapwa mambabatas sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para makalaya agad ang mahigit 400 political prisoners.
Binigyan-diin ni Brosas, hindi dapat ginagamit bilang bargaining chip ang political prisoners para sa mga negosasyong pangkapayapaan.
Kaugnay nito, inihirit din ng kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ang pagpapatupad ng Oplan Bayanihan.
Paliwanag niya, nagagamit lamang ang hakbang na ito dahilan kung bakit patuloy na dumarami pa rin ang mga aktibistang inaaresto.
Patutsada ni Zarate, maraming political prisoners na ang namamatay sa bilangguan habang may ilang bilanggo na mistulang nagbabakasyon lang sa mga bilangguan.