Saturday , November 16 2024
road traffic accident

Traffic auxiliary tigbak sa truck

BINAWIAN ng buhay ang isang 44-anyos skyway traffic auxiliary nang mabundol at masagasaan ng isang truck habang nagmamando ng trapiko sa San Andres, Maynila kamakalawa.

Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Ricardo Fullece, 44, residente sa Buli, Muntinlupa City.

Agad sumuko makaraan ang insidente ng suspek na si Marjoe Marabe, 36, driver, at residente sa Barcelona St., Tondo, Maynila

Sa imbestigasyon ni SPO3 Bert Francisco, ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila Police District (MPD) – Special Investigation and Detection Branch, dakong 12:10 am, nagmamando ng trapiko ang biktima sa intersection ng Quirino Avenue at Pedro Gil St., sa San Andres, nang bigla siyang mahagip ng hulihang gulong ng trailer (NUM-180) na hinihila ng Fuso tractor head (097437) at minamaneho ng suspek.

Pagkaraan ay nabuwal ang biktima at nasagasaan ng hulihang double tire wheel sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.

Sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.

(LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Barines, Jam Breboneria at Ruth Liman)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *