Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolita-Rodriguez, namaalam sa edad 81

ONE of Philippine Cinema’s greatest actresses joined her creator today.

Lolita Rodriguez, born as Dolores Clark in January 1935 in Urdaneta, Pangasinan was married to fellow actor Eddie Arenas.

Nagsimula siya bilang extra sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures noong 1953. At naging second lead na siya sa Pilya noong 1954 kasama ang isa pang Reyna ng Pinilakang Tabing na si Gloria Romero.

Napansin si Lolita at naging popular sa kanyang first starring role, opposite Dolphy in Jack and Jill noong1955.

Naglaban sila ni Gloria for an acting award pero hindi nakuha ng ginampanan niyang role ng tomboy ang pinanalunan ni Gloria sa  Ilocana. Noong 1956 niya nakuha ang first acting award niya para sa”Gilda.

Nang lumaon kinagiliwan na ang mga papel niya sa drama at nagsimula ang love triangle niya with Marlene Dauden at Eddie Rodriguez sa telebisyon matapos na mag-hit ang pagsasama-sama nila sa Sapagkat Kami ay Tao Lamang.

More dramatic roles came. At mas kinilala ang husay niya sa papel bilang si Kuwala sa Tinimbang Ka Ngunit Kulang ni Lino Brocka.

Nagkasama sila ng Superstar na si Nora Aunor sa Ina Ka mg Anak Mo at ni Vivian Velez sa Paradise Inn kahit nag-migrate na siya sa Amerika to lead a quiet life. Na ang hobby eh, ang pagga-gardening.

Ilang panahon din itong naratay sa ospital.

Lolita Maiquez Clark-Lyon passed away on Nov. 28, 2016 9:40 a.m. California time at 81 years old. She suffered a stroke last September and recovered. She was at Genesis Care Center in Hemet (California, USA) under hospice care when she passed.

Ang alam ko about my Ninang (sa binyag), she loved to play golf kaya she named her children Birdie, Bogey and Par—golf terms.

Birdie-Maria, Bogey -Eduardo Martin and Par-Carmen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …