Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patrick, nakadadalaw na, ‘di lang puwedeng ilabas si Jazz

NAKIRAMAY pala si Patrick Garcia at dumating sa burol ng tumatayong ina ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia.

Nagpunta raw sila ng misis niyang si Nikka Martinez. Si Mommy Lydia ang isa sa mga nag-alaga kay Jazz, anak nina Patrick at Jen.

“My wife and I went there. It’s unfortunate, I know how much Tita Lydia loves Jazz. Siya ‘yung nag-aalaga roon kasi ‘pag wala si Jen. It’s a big loss, siyempre sayang. But, you know, that’s how life is and we have to deal with it. Tulong-tulong na lang kami,” sambit ni Patrick sa presscon ng daytime drama series ng ABS-CBN na Langit Lupa na nagsimula na kahapon, Lunes.

Right now, maituturing ni Patrick na okey na ang relasyon nila ng Ultimate Star.

“I would like to think na okay na okay kami. Wala naman kaming problema, we communicate,” bulalas pa niya.

Free na raw siyang nakadadalaw kay Jazz pero hindi nga lang niya ito nailalabas gaya ng dati. Ang sey daw ni Jennylyn sa kanya, kung gusto niyang makita ang kanilang anak ay pumunta na lang siya sa bahay nito.

“Siguro roon, control niya ang environment sa bahay niya. She’s being a mom to Jazz, siguro ‘yun ang gusto niya, sumusunod lang ako. Rati kasi nahihiram ko, rati natutulog pa sa bahay ko ‘yan,” bulalas pa niya.

Anyway, kasama ni Patrick sa Langit Lupa ang dalawang child stars na sina Yesha Camile at Xia Vigor. Nandiyan din sina Yam Concepcion, Alessandra De Rossi, Jason Abalos, Ellen Adarna, Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Buboy Garovillo, Viveika Ravanes, at Kitkat. Ito ay sa direksiyon nina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite, kasama si Mel Del Rosario bilang creative manager, sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Ruel Bayani.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …