PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 sa anti- criminality operation kahapon ng u-maga sa Tondo, Maynila.
Kinilala ni SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Section, ang suspek na si Renato de Leon, 31, napatay sa loob ng kanyang barong-barong sa Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng anti-criminality o-peration ang Delpan Police Community Precinct sa pangunguna ni PO3 Ronald Alvarez, nang madaanan nila ang grupo ng kalala-kihan na nagtra-transaksiyon ng droga.
Nagtakbuhan ang kalalakihan habang pumasok sa kanyang barong-barong si De Leon, kinuha ang kanyang .38 kalibre ng baril at nagpaputok sa humahabol na mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
( LEOANARD BASILIO )