Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rey Valera, ‘di natatakot sa mga baguhang singer

KUNG anuman ang tinatamasa ngayon niHajji Alejandro sa kanyang career ay bonus na lang daw sa rami ng mga baguhang nagsusulputan. Kung  mayroon man silang concert gaya sa December 9 sa Resorts World withRico J. Puno, Marco Sison, at Rey ValeratitledThe Best of OPM Hitmakersay biyaya na.

“Blessing na sa amin ito. Marami na kaming contemporaries na nag-shift na ng career. Ito namang hanapbuhay na ito, hindi naman forever na namamayagpag pa. May mga dying moment din ‘yan eh.So it takes one to really love his craft. Itong music and to believe in one self. It’s actually paniniwala mo. Kaya I think ‘yon ang isa, hindi naman sikreto, you have to persevere to believe in yourself, in your God-given talent para tumuloy-tuloy ka talaga because, hindi lahat ng araw ay Pasko, sabi nga,”bulalas niya.

Hindi na rin sila nasisindak sa mga batang nagdadatingan sa industriya.

Sey nga ng magaling na composer—singerna si Valera.

“Sa tanda naming ito, hindi na kami nati-threaten sa mga bata. You know why, kasi alam naming daraanan din nila ‘yung nadaanan namin. Kung makakahingi pa nga sila ng tips sa amin, bibigyan namin para maiwasan nila ‘yung saan sila lalaglag. Kung makatutulong pa kami sa career sa mga batang ito, bakit naman hindi namin ibibigay. Nandito na kami sa point na, parang bonus stage namin ito na nandito pa kami. Bihira na itong klase ng career. Para sa amin, napakasarap na kung tutuusin. Kaya ‘yung dilemma side, I don’t think it exists.”

Actually, marami ngang nakikita si Rey na magagaling sa mga contestantngTawag Ng TanghalansaIt’s Showtime. Kahit daw ‘yung mga daily winner lang.

May plano si Rey  na bigyan ng kanta ang mga magagaling na contestants. Bubuuin niya ito kasama ang mga beteranong composer. Gagawa sila ng album na pagsama-samahin ang single nila. ‘Yung makalumang approach nila ay i-introduce raw samga millennial.

“Ang tawag ko rito, ‘Songwriter’s Project’. Kasi, ‘yung parang may tulay lang na panahon natin at mga millennialngayon.Ito ang tingin namin na maging tulay para mapagtagpo ang dalawang mundo, at tinitingnan namin sa kanila kung sino kaya ang puwede rito?,” deklara ni Rico.

Posible raw na makadiskubre sila ng mga bagong talents sa Tawag ng Tanghalan dahil ang daming magagaling.

Aminado rin siya na may kumanta ng awit niya na mas magaling sa version niya. Kinanta raw nito angMalayo Pa Ang Umaga.

“Ang layo sa version ko, ang galing! Talagang laglag ako,” deklara niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …