GABBY’S other girl.
Her mom (Grace Ibuna) is on an indefinite leave. Ayon kay Garie Concepcion, nasa Amerika ito kasama ang inaalagaang kapatid.
“Kaya, I am a ‘nanay’ to my brother. Pero kahit na ako ang nag-aasikaso sa kanya while Mom is away, kailangan ko pa rin namang harapin ang mga trabaho ko.”
And by work, Garie means she has to be on the set of Across the Crescent Moon, pictorial and storycon for her new Indie, Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa or polishing on the songs she will render sa birthday concert ng kasintahang si Michael Pangilinan next week.
Hangga’t keri naman daw niya eh, kakayanin niyang pagsabayin ang singing and acting. In fact, ikaapat na Indie na pala niya itong Ang Guro…
Magkasama sila ng amang si Gabby sa Across… at ito pa nga raw ang nagsabi sa kanya kung kaya niya ba ang role ng isang mabibiktima sa human trafficking na maki-kidnap, mare-rape, mabubuntis, at makukulong. At sa Ang Guro… naman, isa siyang volunteer teacher.
“Hindi naman kami nagka-eksena ni Dad sa movie. Pero nagpasama siya sa akin sa shoot niya. That was our bonding.”
And one thing she misses too, ay ang pagsalang sa legitimate stage (isa siya sa mga bullies sa Carrie) and also in the cast of OTJ: The Series sa HOOQwhere isang news hen naman ang ginagampanan niya with Bela Padilla’s team.
Maski pa kumuha ng kurso sa Film Acting in Los Angeles, California sa US si Garie, hindi pa rin maiaalis na Concepcion ang last name niya. And usually, maraming expectations ang mga tao, gaya rin sa sister niyang si KC.
“It’s both a blessing and a curse to have this last name. But I am very proud of it. Kung magsasama kami ni Ate (KC) in a project, siyempre gusto ko. Or ni tita Sharon (Cuneta). We have met. She’s very sweet. And open naman ako sa mga ganoon basta trabaho.”
This Christmas, mukhang iiwan niyang malamig ang Pasko ni Michael dahil gaya ng nakagawian na, sa Amerika sila nagsasama-sama ng kanyang pamilya.
“Kaya nga gusto ko may work. Hahaha! ‘Yun ang sabi ko kay Mom, ‘pag may work ako rito, pass muna ako sa pag-uwi sa US. Maski hosting job, tita kung may alam ka, ha? Tapos, may binuksan kaming flower shop (online) ng business partner ko. It’s called Olivia’s Garden. Kaya ‘pag kailangan niyo naman ng flowers, look us up lang sa Facebook. I personally go to Dangwa to get the flowers. Daisies, tulips, gerberas. Pinaka-maraming orders lagi ‘yung bouquet of white roses.”
Ang masasabi ko, puwedeng-puwede na siyang mag-asawa! At ang biggest dream niya raw ngayon eh, ang mapabilang siya sa ASAP. Na sabi nga namin sa kanya eh, hindi imposibleng mangyari lalo at bahagi na siya ng Cornerstone Management.
HARDTALK – Pilar Mateo