Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon, BFF na totoo para kay Ai Ai

“BFF na  totoo ,” sambit  ni  Ai Ai Delas Alas nang pasalamatan niya si Sharon Cuneta sa pagdalo nito sa pagtanggap niya ng Solemn Investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice Award at birthday event niya  sa Cathedral  of  the Good  Shepherd sa Regalado, Novaliches.

Hindi namin nakita si Marian Rivera na isa sa inaasahang dadalo pero  nandoon  at sumuporta rin sina  Alden Richards, Nova Villa, Jose  Manalo, Wally Bayola, John Lapus, Arnell Ignacio, Erik  Santos, Direk GB San Pedro, Direk Erick Salud atbp..

Kung  wala man si Kris Aquino,  dumating naman ang binibirong  bagong BFF din ni Ai Ai na si Kris Lawence.

Bagamat hindi na bumalik ang friendship nina Ai Ai at Kris, nag-donate si Kris ng  P50,000 para sa ipinagagawang Kristong Hari Church sa may Commonwealth Avenue, Quezon City. Nagpasalamat si Ai Ai sa kanyang Instagram Account pero Ms.  Kris Aquino na ang tawag niya at hindi na ‘friendship’.  Maituturing din na  civil pa rin sila sa isa’t isa.

Anyway, nagbiro si  Manay Lolit Solis  kung bakit P50,000 lang ang donasyon ni Kris samantalang siya ay umabot na ng P30,000z

Sey naman ng isang katoto: “Hayaan mo ..pareho naman kayong walang show.”

Nagtawanan na  lang…

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …