SALAMAT po at naging bahagi kayo ng tagumpay, ang mga TV & showbiz people, singers, performers, fans, magagandang artista ng pelikula, telebisyon, comedians, producers, big at soon to be big star sa gabi ng Star Awards for Music and TV.
Dahil big success at never namang hindi naging matagumpay ang Star Awards ng Philippine Movie Press Club. Bale apat na popular at prestigious ang award giving sa showbiz industries, una ang FAMAS, URIAN, PMPC, at FAP. Ikompara mo ngayon na maraming award giving bodies sa entertainment, pero masaya naman.
Nangangahulugan lamang na maunlad ang mga ganyang uri ng pagkilala sa kahusayan ng mga Filipino sa larangan ng pag-arte, pagkanta, pagpapatawa, pagtugtog ng iba’t ibang uri ng instrumento na kaya nating ipagmalaki at masasabi nating tunay na atin sapagkat tunog Pinoy.
***
OH yes, salamat din sa inyong walang sawang pagbibigay bahagi ng inyong talent sa telebisyon at musika na nagbigay sigla sa mga tagasubaybay ng mga magagandang awit at serye.
Sa ABS CBN, GMA7, UN-TV, Channel 4, TV5, at iba pang network salamat, gayundin sa Air Time Marketing Inc., sa pangunguna ng mga producer na sina Jun Howard, Tess Celestino, Direct Bert de Leon, at sa mga talented writers, sa pangunguna ni Senedy Que na kasabayan ng 36th years ng pagsilang ng PMPC Star Awards.
Sa mga male and female artist, production assistants, sa mga cameraman, sa mga nagbo-voice over at sa lahat ng involved sa productions isa na rito si Arlene Tolibas. Ang gagaling ng mga host, sa mga presentors at sa PMPC members congratulations!
Ganoon din sa lahat ng nominees sa iba’t ibang categories, win or lose magagaling pa rin kayo. Sa lahat ng special award receiver tulad ni big boss Vic del Rosario, Dulce and Maricel Soriano salamat po!
At sa mga katoto na wa care sa Star Awards, problema niyo na ‘yan! Baka kayo atakihin! tama na ang patutsada! Ayaw ni Lord ng ganyang pa-eklat n’yo.
Okey na si kapatid na Virgie Balatico
BAHAGI na ring ng showbiz si Virgie Balatico, isa siyang good friends ng mga ilang sikat na mga artista, like Luz Valdez, Imelda Papin, Coney Reyes, the late kuya Germs Moreno, Pinky de Leon, Lilia Dizon, at sina Vero Samio, Carmelites, Linda Rapadas, Crispina Belen, Ethel Ramos, at marami pang iba. Para po sa inyong kaalaman, inatake si Virgie at na-comatose ng ilang araw, pero good news at na revive siya. Maraming nagdasal, isa na si Carmelites, siya ang butihing secretary ni kuya Germs. Tinawagan lahat ang mga naging alaga ni Virgie at mabilis dumating ang tulong, now nasa hospital pa rin siya at maraming nag-aalaga, isa na ang nurse na pamangkin ni Imelda, parang may pakpak din si Madam Ichu Perez Maceda sa pagtulong.
Hindi rin nagpabaya ang iba pang showbiz friends & press friends ni Virgie, kasama kayo sa mga prayer namin at sa pamisa, hindi man namin masulat ang name ninyong lahat. Iyang prayers napakalaking magagawa sa tao, tawag lang sa kanya, andyan lang Siya sa tabi natin lagi, naghihintay ng call natin. Amen!
***
NAGPAPASALAMATdin ako sa lahat ng mga ladies nurse-reception sa klinika niDra. Anabelle Galeas sa St. James Hospital, Sta. Rosa Laguna sa pangunguna niMs. Merly na staff nurse sa klinika (Eye Department) ni Dra. Galeas na parang artista look a like ni Cong. Vilma Santos. Magaling at ang gaan ng kanyang kamay, siya po ang nag-laser ng aking cataract, medyo okey na po kami, kaunting ingat pa. Salamat po!
***
SA mga sky workers lalo na kay Ms. Anna (nakakasilaw ang puti niya) ganoon din kay Edward, mga panatikong readers ng Hataw, ganern! Si sir Edward ay idol niya si Bulabugin, Sir Jerry Yap, saludo raw siya sa tapang nito sa column. Naghahamon ka ba!
NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi