Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris bernal, nakipag-meeting na raw sa ABS-CBN at VAA (Hello Kapamilya, goodbye Kapuso)

KUNG si Kris Aquino ay balitang magkakaroon ng show sa GMA 7, si Kris Bernal naman ang napapabalitang gustong mag-ober da bakod sa ABS-CBN 2.

Hindi na kami nagulat nang pumutok sa dyaryo ang planong pakikipag-meeting umano ni Bernal sa ABS-CBN 2 at sa Viva Artists Agency.

August pa lang ay blind item na namin ‘yan. Noon pa ay natunugan na namin ang plano niya. Sakto kasi na narinig ng aming source ang usapan sa cell ni Kris at ang taong tutulong sa kanya para mag-ober da bakod.

Pinag-uusapan ngayon na nakita siyang nakipag-meeting sa ABS-CBN at sa VAA.

Kung totoo na lilipat siya, aba’y mukhang mauunahan pa niya ang dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica na nagrebelde noon at gustong umalis sa network, huh!

Nabanggit na namin ito sa may kaugnayan sa GMA Artists noong August pero ang sagot ay may kontrata pa sa kanila si Kris. At  hanggang ngayon, hindi pa  rin expired ang kontrata niya sa GMAAC  pero ang network contract niya ay tapos na raw.

May mga katanungan ngayon kung hindi na ba happy si Kris sa Kapuso? Nagpapataas ba siya ng presyo? Magaganda naman ‘yung mga lead role na napupunta sa kanya, huh! Bagamat marunong siyang umarte, may puwang ba siya sa Kapamilya Network na nagsisiksikan na ang mga magagaling na artista?

Boom!

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …