Sunday , December 22 2024

Maagang Christmas bonus sa Q.C.

Dragon LadyMASAYA ang mga manggagawa sa Quezon City, dahil ipinabibigay ni Rep. Winnie Castelo nang maaga ang Christmas bonus at 13th month pay sa sekto ng publiko at pribado. Upang maaga pa lamang ay makapamili na ng mga kailangan sa araw ng Kapaskuhan.

***

Ang mas maganda ay hiniling ni congressman Castelo sa management ng malls ang mas maagang araw ng “sales” para makasabay sa mas maaagang pagbibigay ng 13th month pay at bonuses sa mga manggagawa.

Sana ganito. Sana ganito rin ang ilang lungsod sa Kalakhang Maynila. Pero teka.. kahit hindi Pasko ay sobra trapik ‘di ba? Baka naman si congressman ay may pagkakagastusan kaya gusto niya nag maaga?!

VENDORS SA BACLARAN HINDI DI MAPIGIL

Malapit na ang araw ng Kapaskuhan, dagsa na naman ang mga vendor na sakit ng ulo ng local government ng lungsod. Kahit patuloy ang operasyon para sa walang tigil na pagsulpot ng mga vendor, pabalik-balik sila. Sigurado aapela na naman kay Mayor Edwin Olivarez, na pagbigyan sila na makapagtinda para sa araw ng Kapaskuhan. Pagkatapos ng Pasko, ayaw nang magsialis. Kapag malapit na ang pasukan, muli na naman makikiusap, dahil walang pang-tuition sa kanilang mga anak. Hindi na naubos ang mga dahilan sa pakiusap. Kaya talagang sakit ng ulo ang illegal vendors! Nakakaawa, pero nakakasagabal!

3 KONSEHAL NA SANGKOT SA ILEGAL NA DROGA

Tatlong incumbent na konsehal umano ang pinupuntirya ngayon ng PNP sa southern part of Metro Manila, na hindi natin papangalanan, ang target ngayon ng PNP dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Bukod sa dalawang artista na ayaw muna ipabanggit ang pangalan, magkakasabay umano ngayon na tinatrabaho ng ating source. Sakaling matuloy ang operasyon laban sa tatlong konsehal ng isang siyudad, siguradong kahindik-hindik ang balita dahil maraming nagtiwala at sumuporta sa tatlong konsehal! Kung sino sila… malalaman rin ninyo!

***

Ang isang target na Konsehal ay nasa unang termino kanyang panunungkulan. Minsan na siyang naisyu, isang dekada na ang nakalilipas na lulong sa ipinagbabawal na gamot. Dahil sa nasabing isyu, hindi nanalo sa eleksiyon sa unang pagsubok. Sa akala ng marami na nagbago na, nasungkit niya ang panalo kaya suwerteng konsehal na siya ngayon ng isang siyudad.

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *