Friday , November 15 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Abusadong mga dayuhan

In Ireland, you go to someone’s house, and she asks you if you want a cup of tea. You say no, thank you, you’re really just fine. She asks if you’re sure. You say of course you’re sure, really, you don’t need a thing. Except they pronounce it ting. You don’t need a ting. Well, she says then, I was going to get myself some anyway, so it would be no trouble. Ah, you say, well, if you were going to get yourself some, I wouldn’t mind a spot of tea, at that, so long as it’s no trouble and I can give you a hand in the kitchen. Then you go through the whole thing all over again until you both end up in the kitchen drinking tea and chatting. In America, someone asks you if you want a cup of tea, you say no, and then you don’t get any damned tea.

I liked the Irish way better.  ¯ C.E. Murphy, Urban Shaman

PASAKALYE: Sa Barangay 33 Zone 3 sa Maypajo, Caloocan City, kontrolado ng nagpapautang na si GEMMA ang ilang lokal na opisyal, mula sa punong barangay at ilang kagawad, kabilang na si Kapitan BALENTONG at Kgd. JACKSTONE LI. Masusuwerte ang mga nasasakupan nila dahil hindi na sila mag-aabala pang maghintay na tuparin ang pangako ng kanilang mga opisyales sa barangay dahil nagsasayang lang sila ng oras kung paglilingkod ang hinhintay nila.

Ano pa nga ba.. nangako na sina BALENTONG at JACSTONE e aasa pa kayong tutuparin nila?

Umasa muli tayo sa kanila sa susunod na eleksyon…

PABOR ang Pangil sa pananaw ni Pangulong DUTERTE na inaabuso lang tayo ng mayayamang bansa, partikular ang mga kasapi ng European Union (EU), at gayon din ang Estados Unidos, na nagbabalatkayo bilang ‘big brother’ ng mga Pinoy ngunit sa katunayan ay isinusulong lamang ang sariling interes hindi ang makatuwiran at makatarungang benepisyo para sa sambayanang Pinoy.

Ang mga Europeano at Amerikano ay napakababa ng tingin sa atin kaya nga ang karamihan ng kanilang mga mamamayang dumadalaw sa Filipinas bilang turista ay sinasamantala ang ating mabuting pakikitungo (hospitality) sa kanila habang inaabuso ang ating kababaihan.

Maraming mga Pinay ang nakaranas ng kawalanghiyaan sa kaamy ng mga Europeano at Amerikanong turista sa Ermita at Malate. Nagbabalatkayo ang karamihan ng mga dayuhang turista bilang matitinong ‘goodtimer’ pero ang tunay na kulay ay lumalabas lamang kapag nakakubli sa loob ng sarili silid sa hotel.

Ito ang dapat bantayan ng mga awtoridad dahil sa kabila na sila’y mukhang ordinaryong mga turista, ang totoo’y lulong sila sa bawal na gamot at iba pang bisyo na idinadamay ang ating mga kababayan.

Hindi ipagkakanulo ng Pangulo

ANG pagpunta ni Pangulong DUTERTE sa China ay bilang pakikipag-usap sa mga lider ng China apara maging maayos ang ating relasyon sa kanila. Hindi lang maritime issue ang kanilang pag-uusapan kundi mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon sa pamamagitan ng kapwa paggalang at pag-uunawaan ng magkabilang panig.

Umiiwas lang ang ating Pangulo na tayo ay madamay sa alitan ng U.S. at China. Alam niyang mapapatalsik siya sa puwesto kapag ibinigay niya sa China ang ating mga hangganan. Kaya iyong mga kritiko ni Pangulo nawa’y maging panatag na hindi siya magtatraydor sa kanyang mga mamamayan na bumoto sa kanya. Batid ko na mahal niya ang kanyang bansang sinilangan. Kaya hindi niya ipagkakanulo tayong mga Filipino. — Pamela A. Landicho ng Sta. Cruz, Davao del Sur ([email protected], Oktubre 17, 2016)

Random drug test

sa mga opisyal

NAG-ALA-DUTERTE na rin si Manila Mayor JOSEPH ESTRADA. Handa raw siyang isiwalat ang hawak niyang narco-list ng mga opisyal ng lungsod sa oras na makompleto at maging validated na ang mga impormasyon. Napag-alaman na ilang opisyal na ng barangay ang positibo sa ilalim ng ilegal na droga.

Mas mapapadalli ang paghuli sa mga gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga kung ang mga pinuno ng bawat siyudad o probinsiya ay makikipagtulungan sa pamahalaan. Magmula sa pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Mainam rin na magsimula sa mga opisyal ang random drug test upang maging transparent sa kanilang nasasakupan. Patunayan nilang huwaran ang mga opisyal at handang sumailalim sa parehong pagsusuri. — Jersan Arguilles ng Mindoro ([email protected], Oktubre 17, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *