MALUGOD na inihahandog ng Philippine Movie Press Club (PMPC) angStar For M-TV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Bestsa isang Gabi Ng Parangal sa 8th PMPC Star Awards For Music pays tribute to the 30th PMPC Star Awards For Television. Gaganapin ito sa Oktubre, 23, 6:00 p.m., sa Monet Grand Ballroom, Novotel Manila, Araneta Center, Quezon City.
Magsisilbing hosts sina Luis Manzano, Jodi Sta. Maria, Xian Lim, Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Robi Domingo. Segment Hosts sina Elisse Joson at Joseph Marco.
Magbibigay naman ng natatanging performances sina Martin Nievera,Jed Madela, Erik Santos, Darren Espanto, Sam Concepcion, Jason Dy, Yassi Presman, Hashtags, PHD Dancers, at 4th Impact.
Sa 8th PMPC Star Awards For Music, tatanggapin ng beteranang mang-aawit na si Dulce ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at ang Parangal Levi Celerio ay ipagkakaloob sa record and movie producer na si Vic del Rosario.
Sa 30th PMPC Star Awards For Television, tatanggapin ni Diamond StarMaricel Soriano ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award at ang Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob sa mahusay na broadcaster na si Luchi Cruz Valdes. Sina Kim at Xian naman ang napili para sa German Moreno Power Tandem Of The Year.
Nagtatanong ang fans kung bakit natanggal ang JaDine sa Power Tandem Award. Ang pangunahing requirement ng special award na ito ay present ang recipient. Kahit noong buhay pa si Kuya Germs Moreno ay gusto niyang naroon ang tatanggap ng award. Hindi kasi ito galing sa nominasyon ng PMPC na pagbobotohan, kundi ibinibigay.
Pero kung may panahon next year sina Nadine Lustre at James Reid, puwede pa ring ipagkaloob sa kanila ang naturang award. Naiwanan kasi ito ni Kuya Germs last year na ibinigay sa LizQuen at AlDub. Ngayon naman ay para sa JaDine at KimXi na nasa line up talaga.
Importante lang talaga na magbigay ng oras ang recipient para tanggapin ang naturang award.
Ito ay sa direksiyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng programa sa ABS-CBN Sunday’s Best sa Nobyembre, 20.
TALBOG – Roldan Castro