NAIS gayahin ng mga bansa sa Asya ang istilo ng Filipinas sa kampanya kontra ilegal na droga.
Nalaman ito ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa nang magsama-sama ang mga hepe ng pulisya ng ASEAN sa anibersaryo ng Royal Thai Police noong nakaraang Linggo.
Sinabi ni Dela Rosa, nape-pressure na ang hepe ng pulisya ng Indonesia dahil sinasabihan siya ng kanyang mga kababayan na gayahin ang ginagawa ng Dilipinas partikular na ang “Oplan Tokhango” ang “Katok Pakiusap” sa mga drug suspect.
Ayon sa PNP chief, masaya at binabati ng mga kapitbahay sa Asya ang kampanya kontra droga ng Filipinas.
Aniya, naiinggit ang bansang Indonesia dahil ganito rin kalakas noon ang inilunsad nilang giyera laban sa droga ngunit biglang humina nang magpalit sila ng administrasyon.
Gayonman, nag-usap na aniya sina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo tungkol sa bagay na ito at naghihintay na lang aniya ang Indonesian police nang utos mula sa kanilang pangulo.