MAY ‘kabit’ si dating Davao Archbishop Fernando Capalla, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang buwelta ni Duterte sa pagpuna ng mga Obispo sa paglobo ng bilang ng mga napapatay sa drug war ng kanyang administrasyon.
Pinakahuli sa mga bumatikos sa Pangulo ay si Capalla na nanawagan sa Punong Ehekutibo na makinig sa hinaing ng taong bayan.
Ayon sa Pangulo, pare-pareho lang naman sila na may mga kabit na babae.
Nadesmaya ang Pangulo sa pagmamalinis ng mga Obispo na nagpapanggap na moralista ngunit mantsado rin ng kontrobersiya ang kanilang hanay.
“Well anyway, ganito ‘yan. I’m really appalled by so many groups and individuals, including priests and bishops complaining about the number of persons killed, itong dito sa operation against the drug problem. Kaya kung hindi pa sabihin na, ‘akin ito’ ‘abuso ko lang ito.’ What for? Why should I kill my countrymen? Kaya kung itong mga…sila Capalla, ‘yung bishop namin doon,” anang Pangulo.
Nauna nang pinintasan ng Pangulong Duterte ang paggamit ng simbahang Katolika sa moralidad para hindi na maibalik ang death penalty sa bansa.
( ROSE NOVENARIO )