NASA tamang panahon o right timing ba ang ilang abogago ‘este abogado na gumawa ng sariling sindikatong kumikilos ngayon sa iba’t ibang opisina sa Bureau of Customs?
Aba’y parang fiesta raw sa kanila araw-araw. Sinasamantala nila ang situwasyon habang nakatuon ang liderato sa kampanya laban sa korupsiyon.
Ang isang abogado-gago ay nagtayo umano ng kanilang sariling opisina. At ang BOC ay isang playground na ginawa sa pagpupuslit ng kanilang mga kontrabando.
Dahil daw sa higpit at tapang ng kanilang boss, nagtataka ang marami kung paano raw naisasagawa ang kawalanghiyaan nang wala man lamang takot at pag-alinlangan si Attorney.
Ang info na nakarating sa atin, nagtayo ng sariling opisina by using other person that will represent them sa transaction sa customs.
Kaya naging very successful sila sa tulong ni ERWIN at MARVIN.
No problem sa pagpagpasa at paglabas ng kanilang mga shipment sa customs.
About 100 containers ang pinakamababa parating/palusot every week ng bagong powerful group. Karamihan ng kontrabandoay pinalulusot sa Manila International Container Port (MICP) at walang may lakas ng loob na banggain sila at baka sila naman ang resbakan.
Kahit alam na may palaman ang mga kargamento, sila ay nanahimik na lang daw. Sa madaling salita, mabigat silang kalabanin!
Mayroon silang bata na ang papel ay taga-plano at diskarte kung ano ang dapat gawin sa processing and releasing ng kanilang kargamento.
May ginagamit na sariling TRADING COMPANY (PHT) located sa CHAMP Building.
Ang malupit dito, kumokolekta pa ng ‘tara’ from the player — si bagman alias ERWIN. At kung may sumasaltong kargamento siya rin ang sumasalo o umaareglo na in the end. siya na ang official na kolektor ng ‘tara’ para sa mga kaibigan ng mga attorney.
Si alias Marvin ang lifeline ng tropang ito na tagahanap ng kanilang kliyente.
BOC Commissioner Faeldon, paki-validate ang info na ito o baka naman nagkakamali lang ang ating information.
Public service lang po.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal