Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kill plot vs Duterte itinanggi ng US

AMINADO si Defense Sec. Delfin Lorenzana, wala siyang pinanghahawakang impormasyon ukol sa sinasabing balak na pagpatay ng Central Intelligence Agency (CIA) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Lorenzana, kasunod nang pag-uusap nila ng ilang opisyal ng Estados Unidos.

Kabilang sa mga nakaharap ng DND chief si US Ambassador to Philippines Philip Goldberg, na todo tanggi sa isyung pinalutang mismo ni Pangulong Duterte.

Gayonman, hindi isinasantabi ni Lorenzana ang posibilidad na may ibang sources ang chief executive kaya hindi maiaalis na magpalabas ng ganitong statement ang presidente.

Sa panig ng militar at pulisya, tiniyak nilang mananatili silang tapat sa kanilang tungkulin para protektahan ang pangulo sa ano mang banta sa kanang buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …