Monday , December 23 2024

Matobato isinuko ni Trillanes sa PNP (Seguridad tiniyak ni Gen. Bato)

PERSONAL na isinuko ni Senador Antonio Trillanes IV ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato, kay PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Kampo Crame makaraan maglabas ng arrest warrant ang korte sa Davao City sa kasong illegal possession of firearms. (ALEX MENDOZA)

ISINUKO ni Senador Antonio Trillanes IV nitong Biyernes ng umaga ang nagpakilalang isa sa mga hitman ng sinasabing Davao Death Squad (DDS), sa national headquarters ng pulisya sa Camp Crame.

Inilagay ng senador sa kustodiya ng mga pulis si Edgar Matobato ilang oras makaraan ilabas mula sa Senate Building sa Pasay City.

Tumestigo si Matobato sa pagdinig ng Senate justice committee,  sa pamumuno ni Senator Leila de Lima, sa extrajudicial killings ng sinasabing DDS, sa ilalim ng pahintulot ni Pangulong Duterte noong alkalde pa lamang ng Davao City.

Unang dinala ni Trillanes si Matobato sa tanggapan ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ngunit wala roon ang hepe dahil sa isang “prior commitment.”

Naghain ng arrest warrant ang isang korte sa Davao laban kay Matobato makaraan mabigong dumalo sa itinakdang arraignment nitong Martes sa kasong  illegal possession of firearms na isinampa laban sa kanya noong 2014.

SEGURIDAD TINIYAK NI GEN. BATO

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang seguridad ng testigong si Edgar Matobato habang nananatili sa kustodiya ng PNP-CIDG.

Una rito, inihantid ni Sen. Antonio Trillanes si Matobato kay Dela Rosa makaraan maglabas ng warrant of arrest ang Davao court dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Sinabi ng PNP chief, sisiguruhin niyang magiging ligtas ang buhay ni Matobato habang nasa kostudiya ng mga pulis.

Dagdag ng heneral, para masiguro ang seguridad ni Matobato ay iisyuhan nila ng bullet proof vest, kevlar helmet, bullet proof googles at mask.

Kung puwede lang aniya nai-armorize ang buong katawan ni Matobato ay gagawin nila upang matiyak lang ang seguridad.

Dagdag pa ni Dela Rosa, kung puwede pa nila pagsuotin ng bomb suit si Matobato ay gagawin din nila.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *