Monday , December 23 2024

EDCA pwedeng ibasura – Panelo

100616-panelo-bello
Sina Labor Sec. Silvestre “Bebot” Bello at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa Kapihan sa Manila Bay sa Cafe Adriatico, Malate, Maynila. (BONG SON)

KASUNOD ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatitigil niya ang Philippines-United States Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang pagrerebisa ng nasabing kasunduan ang magiging aksiyon ng Malacañang, ayon kay presidential chief legal counsel Atty. Salvador Panelo.

Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Ermita, Maynila, sinabi ng batikang abogado na may nakapaloob na clause sa EDCA na nagbibigay ng kapangyarihan sa punong ehekutibo na ipatigil ang implementasyon ngunit may pasubali ang pangulo na rebisahin muna ito at pag-aralan upang makapagdesisyon ang Palasyo kung palalawigin o hindi.

“We have to evaluate the agreement and if we see onerous provision that are detrimental to the country, then we have to revise or remove them,” idiniin ni Panelo.

Ibinigay umano ng presidential chief legal counsel ang kanyang opinyon ukol sa usapin at hinihintay na lang niya ang magiging desisyon ng pangulo para aksiyonan ito.

“We are not breaking away from the US. We are just protecting our sovereignty as an independent nation that is free from foreign influence,” aniya.

Una rito, pinaalalahan ni Pangulong Duterte ang Estados Unidos na kahit opisyal na dokumento ang EDCA, nanatili itong isang executive agreement na hindi naman nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III kundi mga kinatawan sa negosasyon, may tatlong taon na ang nakalipas.

Ayon sa punong ehekutibo, nilagdaan lang ng noo’y defense secretary Voltaire Gazmin at isang US aide ngunit hindi ito ipinatupad hanggang kinatigan ng Jorete Suprema, alinsunod sa Saligang Batas.

“Better think twice now because I would be asking you to leave the Philippines altogether,” paalala Duterte sa pamahalaan US.

“That would happen if the US were unable to produce the signature bearing the permit to conduct war games,” dagdag ng pangulo.

“If you Americans are angry with me, then I am also angry with you,” anang Pangulo.

“The US has not been helping (us) in (the) war on drugs. We do not have money and have been working on a national budget prepared by the administration of Benigno Aquino III that did not anticipate the extent of the drug problem in the country.”

Inulit ni Duterte na ikinokonsidera niyang palayasin ang mga Amerikano sa Mindanao para mabigyang-daan ang pakikipagnegosasyon sa grupo ng Muslim scholars na tumangging makipag-usap sa kanya sanhi ng presensiya ng US sa katimugang bahagi ng bansa.

“This prompted me to say there may be a time I may ask the US to leave Mindanao to be able to connect to them and talk and maybe they will decide to negotiate,” aniya.

“I’m just being your President. I may open another front in our foreign policy with the US due to the humiliation it has heaped on us,” anang Pangulo.

 ni Tracy Cabrera

US TIKLOP SA BANTA NI DUTERTE SA EDCA

NABAHAG ang buntot ng Estados Unidos makaraan ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na puputulin niya ang ugnayan ng Filipinas sa Amerika dahil sa pakikialam sa kanyang drug war.

Mula sa pagbatikos ay todo-puri kahapon sina US President Barack Obama at Democrat Party presidential bet Hillary Clinton sa anila’y mahalagang papel ng mga Filipino at Filipino-Americans sa paghubog ng kasaysayan ng US.

Ang pagkilala sa importanteng ambag ng mga Filipino ay nakasaad sa mensahe nina Obama at Clinton sa Filipino American History Month ngayong Oktubre.

Ilang beses nang nagbabala ang US sa lumolobong bilang ng extrajudicial killings mula nang ilunsad ang drug war ng administrasyong Duterte.

Hindi nagustuhan ni Duterte ang aniya’y pakikialam ng US at kaipokritohan ng Amerika na napakasama ng human rights record sa buong mundo.

Ipinahiwatig kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, umuusad na ang legal na proseso para tuldukan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

“Regarding the EDCA needing a President’s signature, I just like to say that the President’s legal team is currently addressing the matter,” ani Abella.

Nauna nang sinabi ng Pangulong Duterte na palalayasin niya ang tropang Amerikano sa bansa dahil target silang biktimahin ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa Pangulo, ipatitigil na niya ang joint US-PH military exercises dahil walang pakinabang rito ang Filipinas.

Kapag ipinawalang-bisa ng Pangulo ang EDCA, hindi na puwedeng magdagdag ng tropang Kano sa bansa at hindi na ubrang gamitin nila ang mga base militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang EDCA ay nilagdaan noong 2014 nina noo’y Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.

Sa kanyang pagdalo sa ASEAN Summit kamakailan, ipinakita ni Duterte sa world leaders, kasama sina Obama at UN Secretary- General Ban Ki Moon, ang larawan ng Bud Dajo masscre noong Fil-Am war na nakatawa ang mga sundalong Kano sa harap ng mga pinaslang na mga Morong bata at kababaihan.

Ayon sa Pangulo, hindi humingi ng paumanhin ang US sa inutang na dugo sa Filipinas at may gana pang batikusin ang mga pinatay na kriminal ng mga awtoridad sa kanyang drug war. (ROSE NOVENARIO)

I WILL BREAK-UP WITH AMERICA – DIGONG

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya matatanggap ang aniya’y pambabastos at pang-iinsulto sa kanya ng Estados Unidos kaugnay sa kanilang komento hinggil sa isyu ng human rights.

Kaya sa kanyang pagharap kamakalawa ng gabi sa Jewish community sa Filipinas, ipinahiwatig ni Pangulong Duterte ang kanyang balak na pakikipag-break-up o pakikipagkalas ng alyansa sa US.

Ayon kay Pangulong Duterte, mas gugustuhin niyang pumunta sa Russia at China na bagama’t hindi niya kasundo sa ideolohiya ngunit mas marespeto sa tao.

Iginiit ni Duterte, kunwari nababahala ang US sa situwasyon ng mga Filipino hinggil sa human rights, ngunit katunayan ay concern lamang sa pakiramdam ng European Union (EU), ni US President Barack Obama, ng human rights advocates.

Tahasan din niyang sinabihan si Obama na pumunta na sa impiyerno habang sa purgatoryo ang EU.

“I will be reconfiguring my foreign policy. Eventually, I might, in my time, I will break up wth America” ani Pangulong Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *