MULING nabuhay ang isyu ng sinasabing sex video ni Sen. Leila de Lima dahil sa testimonya ng dating security aide niya na si Jhunel Sanchez.
Sa salaysay ni Sanchez, sinabi niyang nakita niya ang dalawang sex video nina De Lima at Ronnie Dayan mula sa naiwang cellular phone na pinakialaman ng driver na si “Bantam.”
Una aniya ay naka-pose ang opisyal sa may shower area na nakahubad.
Habang ang ikalawa ay ‘nakasubo’ ang dating kalihim kay Dayan.
Aniya, sa pagkakataong iyon ay hindi na niya tinapos ang panonood ng video dahil nailang siya.
P1.5-M INIABOT KAY DE LIMA
IKINANTA ng isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP) na personal niyang iniabot kay dating Justice Secretary Leila de Lima ang halagang P1.5 milyon na nasa kahon ng sapatos na nakabalot ng gift-wrapper.
Sa kanyang testimonya sa ikatlong pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni dating PO3 Engelberto Durano, miyembro ng Batang Cebu Brotherhood (BC45), tinawagan siya ng kaibigan niyang si Jeffrey Diaz, alyas Jaguar, na nagpapatakbo ng “shabu” business sa Cebu noong Nobyembre hanggang Disyembre ng 2014.
Aniya, hiniling ni Diaz kay Durano na personal niyang dadalhin ang pera kay De Lima sa opisina ng Sigue Sigue Commando.
Noong panahon umano na ‘yon ay may hawak lamang siyang P500,000 kaya nanghiram siya ng pera na may tubo sa isang Noel Martinez para makabuo ng P1.5 milyon.
Muli siyang tinawagan ni Jaguar at binigyan ng instruction na dalhin sa building ng Commmando ang pera at binilinang kay De Lima lamang niya dapat iabot ang pera.
Mula Building XI ng Bilibid, naglakad si Durano sa Bilibid TV Channel 3 na nagsisilbing opisina ni Jaybee Sebastian, lider ng nasabing Pangkat.
Sinalubong siya ng isang lalaking naka-barong at sinamahan patungo kay De Lima para iabot ang dala niyang kahon na naglalaman ng naturang pera.
Kinuha ni De Lima ang kahon na inabot sa kanya sabay ibinigay sa lalaking naunang sumalubong kay Durano.
Habang papaalis, sinabi ni Durano na napalingon siya kay De Lima at nakita niya na lumalakad siya na parang model papunta sa gitna ng poste sabay hawak dito at nagsalita na “Ok ba Jaybee.”
Napaiyak si Durano makaraan ang kanyang testimonya.
( JETHRO SINOCRUZ )
BANK ACCOUNT NI JAYBEE IBINULGAR
IBINUNYAG ng isang government asset sa New Bilibid Prisons (NBP) sa pagdinig ng House Committee on Justice kahapon, ang account number ng drug lord na si Jaybee Sebastian sa Banco de Oro (BDO)
Ayon kay Nonilo Arile, ang bank account ni Sebastian sa BDO na may account number 000310079586 ay may account name na “Coco Jewelry Shop” at doon inihuhulog ang pinagbebentahan ng ilegal na droga.
Ibinulgar din niya ang sampung high profile drug lords sa Bilibid na sina Ben Marcelo, Sam Li Chua, Peter Co, Willy Yang, Willy Ang, Vicente Sy, Jackson Lee, Angse, Tom at Robert Lee, gayondin sina Peter Ong, Marcelo Fluen, Jerry Pepino Dan Feliciano, Christopher Soliva at Romil Baltar at marami pang iba.
( JETHRO SINOCRUZ )