PINALAYA ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ang bihag nilang tatlo pang Indonesians sa lalawigan ng Sulu.
Si MNLF Chairman Nur Misuari ang nanguna sa pag-recover sa mga bihag.
Bago magtanghali kahapon, na-turn over na kay Sulu Governor Totoh Tan ang naturang mga bihag na sina Edi Suryono, Ferry Arfin, Muhamad Mabrur Dahri.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, tumawag mismo si Misuari sa kanya upang ibalita ito.
Ayon kay Dureza, makaraan nilang mag-usap ni Misuari ay agad niyang tinawagan si BGen. Arnel de la Vega, commander ng AFP-Joint Task Force Sulu, para sa “smooth turnover” ng mga bihag.
Habang kinompirma din ni Tan, nasa kustodiya na nila ang tatlong Indonesian at kanyang itu-turn over sa militar.
Napag-alaman, hiniling ni Misuari kay Dureza na ipaabot ang naturang balita kay Pangulong Rodrigo Duterte.