Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 drug lords sa Bilibid riot ililipat sa gov’t hospital

PLANO ng Bureau of Corrections (BuCor) na ilipat sa government hospital ang tatlong high-profile inmates na nasugatan sa naganap na riot sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP).

Kasalukuyang naka-confine sa Medical Center Muntinlupa (MCM) ang mga inmate na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy.

Una nang sinabi ng MCM, posibleng magtagal nang limang araw ang mga inmate mula nang dinala sila roon noong Miyerkoles.

Ngunit ayon kay BuCor chief Rolando Asuncion, kapag hindi pa stable ang kalagayan ng inmates pagkatapos ng limang araw ay maaari na silang ilipat sa government hospital.

Aniya, patuloy na inoobserbahan ang tatlo kaya’t kailangan pang hintayin na gumanda ang kalagayan bago ibalik sa NBP.

Magugunitang makaraan sumiklab ang stabbing incident sa loob ng maximum security compound ng NBP na tumagal lamang ng isang minuto, ay namatay ang high profile inmate na si Tony Co.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …