Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanod patay, 10 sugatan sa gumuhong pumping station

100216-mmda-accident-pumping-station
NAHIRAPAN sa pagsagip ang mga miyembro ng Red Cross Team sa naipit na biktima na si Ruel Desoloc, matapos gumuho ang improvised bridge ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Pumping Station sa isinasagawang clean-up operations ng DPWH, DPS, at MMDA sa kahabaan ng Romualdez Bridge sa Ermita, Maynila na ikinamatay ng isang biktima, habang labing-isa (11) ang sugatan. (BONG SON)

PATAY ang isang barangay tanod habang sampu ang nasugatan nang gumuho ang platform ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  Balete Flood Control Pumping Station sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Johnny Yu, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, ang biktimang si Alfredo Quijano, nasa hustong gulang, barangay tanod ng Brgy. 664, Zone 71, ay namatay sa atake sa puso nang maganap ang insidente.

Ang mga biktima ay nagsasagawa ng clean-up operation sa Romualdez Bridge sa Ermita nang maganap ang insidente.

“As per doon sa field reports sa atin, nagkakaroon tayo ng dredging doon sa estero and doon po sa pagkuha siguro nila ng basura na-overload ng tao and at the same time iyong bigat ng basura at mga tao… bumigay ang platform,” pahayag ni Yu.

“Merong nagbabantay doon, iyong barangay tanod at iyong mga nagde-dredge tapos at the same time iyong mga tao na nandoon sa area na iyon na tumutulong, iyon po ang mga kasama roon sa platform,” aniya.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …