UMAABOT sa 67 pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang namimiligrong maipatapon sa Mindanao dahil sa katiwalian at pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay PNP-NCRPO acting director, Chief Supt. Oscar Albayalde, mayroon silang panibagong 67 pulis na napatunayang sangkot sa pangingikil o extortion.
Kabilang aniya rito ang grupo ni PO2 Franklin Menor, miyembro ng NCRPO Anti-illegal drug unit, nahuli sa isang entrapment operation sa Deparo, Caloocan City kamakailan.
Nangikil aniya ang grupo ng P300,000 sa mga kaanak ng dalawang nahuling drug suspects ngunit naudlot nang ma-entrapped.
Kabilang sa mga kasabwat ni Menor ay sina ay sina PO4 Dalmacio Robillon, PO2 JM Canas, PO1 Jowell del Rosario, PO1 Nelson Villas, PO1 Aries Jade Briones ,PO3 Clarito, PO3 Lucero at PO1 Livara.
Ayon kay Albayalde, nanganganib na maipatapon din sila sa Mindanao.
Kasalukuyang mayroon nang 108 ninja cops ng NCRPO ang naipatapon na sa Mindanao.
Sa bilang dito 14 nag-AWOL (absent without official leave) sa iba’t ibang posibleng dahilan.