Thursday , May 8 2025
arrest prison

7 arestado sa ‘one time big time ops sa Tondo

PITONG lalaki ang inaresto sa isinagawang “One time, big time” operation sa illegal drugs sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ng Raxabago-Tondo Police Station sa Manila Police District, nagsagawa ng operasyon ang kanilang Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit dakong 7:45 pm sa kahabaan ng Pag-asa St., Brgy. 180, Tondo.

Nahuli sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Jonathan Corbe, 48; Lester Ramal, 28; Nino Baldonado, 29; Luisito Lopez, 28; Ronald Romero, 27; Cedric Flores alyas CJ, 20; at Arnel Ocampo, 38-anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang sachet ng shabu na tinatayang halagang P300, drugs paraphernalia, at dalawang motorsiklo na hindi nakarehistro.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

( LEONARD BASILIO )

About hataw tabloid

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *