THE Commissioner of Customs NICANOR FAELDON centralized all operation into one at BOC.
Wala marahil siyang katiwa-tiwala sa customs organic personnel or they just cannot be trusted. Kaya siguro inako niya ang lahat ng responsibilidad by creating a command center sa kanyang opisina to monitor ang mga nangyayari sa bawat pantalan.
And maybe, to ensure that BOC can collect a better revenue in the coming months para sa kaban ng bayan.
Ang problema lang, tila nawalan ng mga function ang mga opisina at naging useless ang mga organic customs personnel sa present set up sa customs.
Paano naman kasi hanggang ngayon ay walang inilalagay na mga presidential appointees si DOF Secretary Sonny Domiguez sa mga sensitive position sa customs na makatutulong sa operations kay Faeldon.
Naglagay lang ng OIC sa mga sensitive position.
The commissioner has a wide discretion kaya naman kanyang ginagamit to control customs against graft and corruption and to fight and run after the smugglers at mga kasabwat sa customs.
But to some critics, parang ‘DICTATORIAL’ ang ganitong sistema niya at lumalabas na siya lang ang all to blame kapag nagkaroon ng anomalya and failure to collect revenue and smuggling sa kayang bakuran.
Siya lang ang responsible and accountable and no one else.
Sa tingin ko, he only did what he think is right to control ang mga nangyayaring anomalya o sistema sa kanyang bakuran at moral obligation niya sa gobyerno, sa ating mamamayan and to the service.
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal